Bersyon 1.15 (Binago noong Hulyo 11, 2023)
Basahin nang mabuti ang mga takda at kondisyon ng Kasunduan ukol sa Lisensiya ng End User (“Kasunduan”) na ito bago mo gamitin ang Solution (tulad ng ipinapaliwanag sa ibaba). Isa itong legal na may bisang kontrata. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa elektronikong paraan, o pag-install ng Solution o paggamit ng Solution, tinatanggap mo ang lahat ng takda at kondisyon ng Kasunduang ito sa ngalan mo at ng anumang entity o indibidwal na kinakatawan mo o sa taong may Device na kung para saan mo kinukuha ang Solution (na sama-samang tinatawag na “ikaw”). Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito, huwag ipagpatuloy ang proseso ng pag-install, huwag gamitin ang Solution, at i-delete o sirain ang lahat ng kopya ng Solution na ihawak o kinokontrol mo.
Ang Kasunduang ito ay may kaugnayan sa iyong paggamit ng ilang software (“Software”), serbisyo o hardware at kaugnay na firmware, kabilang ang anumang Update (isang “Solution” ang bawat isa) hinggil kung saan tinatanggap mo ang Kasunduang ito, at anumang nauugnay na Dokumentasyon. Sa Kasunduang ito, ang ibig sabihin ng “Nagbebenta” ay ang entity na nagbibigay ng Solution sa iyo, na mag-iiba depende sa iyong lokasyon, gaya ng sumusunod:
a. North, Central, at South America
b. Ireland, United Kingdom, Belgium, Netherlands, at Luxemburg
c. Japan
d. Australia, lahat ng iba pang Bansa sa Asia-Pasipiko
e. Spain, France, Italy, at sa kalakhang bahagi ng Europe, Middle East, at Africa
Pakitandaang may dalawang bahagi ang Kasunduang ito. Ang Seksyon 1 hanggang 12 ng Kasunduang ito ay nalalapat sa lahat ng Solution, pati sa mga nakalista sa ibaba. Ang Seksyon 13 ay nagtatakda ng mga karagdagang takda at kondisyon na nakakaapekto sa mga partikular na Solusyon o kategorya ng Mga Solusyon, kabilang ang Software ng Third Party, Mga Serbisyo at Iba pang Produkto (Seksyon 13.1); Mga Lisensiya ng Pinangangasiwaang Tagapagbigay ng Serbisyo (Seksyon 13.2); Paglilinis ng Browser (Seksyon 13.3); Paghahanap ng WiFi (Seksyon 13.4); Avast Family Space (ibinebenta rin bilang Star Guard Family, Vodafone Family Protect, at Wind Family Protect) (Seksyon 13.5); Mga Mobile App (Seksyon 13.6); Technician Edition (Seksyon 13.7); Plan ng Assurance (Seksyon 13.8); Premium na Suportang Teknikal (Seksyon 13.9); Remote Access; Software ng Tulong (Seksyon 13.10); Avast Driver Updater (Seksyon 13.11), Ligtas na Web Gateway ng Avast o Ligtas na Internet Gateway ng Avast (Seksyon 13.12), ilang serbisyo ng HideMyAss! (Seksyon 13.13), Mga Virtual Private Network Solution ng Vendor (Seksyon 13.14), anumang dongle o appliance na ibinibigay sa iyo ng Avast bilang bahagi ng iyong subscription (Seksyon 13.15), at Mobile Threat Intelligence Platform (Seksyon 13.16). Ang Kasunduang ito ay nangingibabaw at pumapalit sa anumang kasunduang pinasok mo dati kaugnay ng isang naunang bersyon ng Solution.
Maaaring amyendahan ng Nagbebenta ang Kasunduang ito anumang oras sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng paunawa alinsunod sa Kasunduang ito, at ang iyong patuloy na paggamit ng anumang apektadong Solution nang higit sa 30 araw matapos ang petsa ng abiso ay magpapatunay ng iyong pagtanggap sa mga pagbabago sa ng susog sa Kasunduang ito. Maaaring hilingin ng Nagbebenta na iyong tanggapin ang inamyendahang Kasunduan upang patuloy na magamit ang anumang apektadong Solution na una mong nakuha. Kung tatanggi kang tanggapin ang binagong Kasunduan, maaaring wakasan ng Nagbebenta ang paggamit ng naturang naaapektuhang Solution, na kung saan, maaari kang makakuha ng pauling-bayad para sa bahagi ng bayad sa subscription na binayaran mo para sa bahagi ng Panahon ng Subscription na hindi pa nag-eexpire o hindi pa nagagamit sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubiling matatagpuan dito.
Nagbibigay sa iyo ang Nagbebenta ng hindi eksklusibong lisensiya para magamit ang Solution at ang Dokumentasyon para sa napagkasunduang panahong nakasaad sa Mga Naaangkop na Kondisyon, kabilang ang anumang pagpapalawig o pag-renew sa napagkasunduang panahon (ang “Panahon ng Subscription”), ito ay kung sumasang-ayon ka sa mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito. Kaugnay ng mga libreng produkto, kabilang ang Avast Free Antivirus, ang naaangkop na Panahon ng Suskrisyon ay tatagal ng 30 araw bago mag-expire, gayunman, ang Nagbebenta ang may tanging karapatan na palawigin ang Panahon ng Suskrisyon para sa mga karagdagang panahon.
2.1. Maaari mong gamitin ang Solution sa, o para suportahan, hanggang sa napagkasunduang bilang (ang “Pinapahintulutang Dami ng mga Device”) ng mga mobile phone, smartphone, tablet, mobile network appliance, iba pang mobile device (ang bawat-isa ay tatawaging “Mobile Device”), mga personal na computer, IoT, at iba pang device na nakakonekta sa Internet, o iba pang device na angkop sa Solution (ang bawat isa, kabilang ang bawat-isang Mobile Device, ay tinatawag na isang “Device”) na eksklusibong ipinapahiwatig sa mga Naaangkop na Kondisyon:
2.1.1. Sa kaso ng mga Solution na itinalaga ng Nagbebenta para sa corporate, komersyal o pangnegosyong paggamit (ang bawat-isa ay tatawaging “Business Solution”), sa pamamagitan mo o ng iyong mga affiliate (mga entity na kumokontrol sa iyo, kinokontrol mo, o nasa ilalim ng karaniwang kontrol mo) para sa mga layuning panloob na negosyo. Kung sakali mang gamitin ng iyong affiliate ang Business Solution, ikaw ang responsable sa pagsunod ng iyong affiliate sa Kasunduang ito, at ituturing na paglabag mo ang ginawang paglabag ang iyong affiliate. Ang anumang obligasyon ng Nagbebenta sa ilalim ng Kasunduang ito ay pananagutan mo lamang at hindi ng iyong mga kaanib na gumagamit ng Business Solution sa ilalim ng mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito.
2.1.2. Sa kaso ng iba pang Solution, kabilang ang Avast Free Antivirus, AVG Free Antivirus, CCleaner Free, at ba pang Solution kung saan hindi mo na kailangan magbayad ng bayarin sa subscription o iba pang halaga para makakuha ng Solution o magpatuloy sa paggamit ng Solution matapos ang panahon ng pagsubok (ang bawat isa ay tatawaging “Consumer Solution”), sa pamamagitan ng natural na tao, o miyembro ng kanyang pamamahay para sa pansariling paggamit, sa layuning hindi pang negosyo. Upang maiwasan ang pagaalinlangan, hindi magbibigay o maglilisensya ng Consumer Solution para sa paggamit ng: (i) natural na tao para sa mga pangkomersyal na layunin; o (ii) negosyo, kumpanya, entity ng pamahalaan, organisasyong hindi pampamahalaan o iba pang nonprofit na entity, o institusyon ng edukasyon.
2.2. Maaari kang gumawa ng isang backup copy ng Software.
2.3. Sa kundisyong ikinumpigura ang Solution para sa paggamit sa network, maaari mong gamitin ang Solution sa isa o higit pang file server o virtual machine para sa paggamit sa isang local area network para lang sa isa (at hindi hihigit sa isa) sa mga sumusunod na layunin:
2.3.1. Permanenteng pag-install sa Software sa mga hard disk o iba pang storage device hanggang sa Pinahihintulutang Bilang ng mga Device; o
2.3.2. Paggamit sa Solution sa naturang isang local area network, sa kundisyong hindi lalampas sa Pinahihintulutang Bilang ng mga Device ang bilang ng magkakaibang Device kung saan ginagamit ang Solution; o
2.3.3. Kung ang mga Naaangkop na Kundisyon ay magbibigay sa iyo ng karapatang gamitin ang Solution sa pagbibigay ng mga Serbisyo ng MSP, ang paggamit sa Solution gaya ng nakasaad sa Seksyon 13.2.
2.4. ANG IYONG PAGGAMIT SA SOLUTION MALIBAN SA HAYAGANG PINAHIHINTULUTAN NG SEKSYON 2 NG KASUNDUANG ITO, O ANG ANUMANG MULING PAGBEBENTA O HIGIT NA PAMAMAHAGI SA SOLUTION, AY ITINUTURING NA MALUBHANG PAGLABAG SA KASUNDUANG ITO AT MAAARING LUMABAG SA MGA NAAANGKOP NA BATAS SA COPYRIGHT.
Nagtatakda ang Seksyon 2A na ito ng mahahalagang probisyon na may kaugnayan sa paraan ng iyong awtomatikong pag-renew ng mga paggana ng suskrisyon. Nakatakda ang iba pang mahalagang probisyon (gaya ng iyong ‘karapatan sa pagbawi’) sa mga tuntunin na ginawa ng entity kung saan mo binili ang Solusyon (“Tagapamahagi”) at tinanggap mo bilang tagapamahala ng suskrisyon mo.
2A.1 Awtomatikong mare-renew ang suskrisyon mo, at aabisuhan ka nang maaga sa pagre-renew. Pakitandaan na ang presyo ng pagre-renew ay maaaring maging iba sa presyong binayaran mo para sa umiiral na Panahon ng Suskrisyon, at ang abiso bago ang pagre-renew ay maglalaman kung magkano aabutin ang kasunod na Panahon ng Suskrisyon, kailan ka sisingilin at gaano katagal ang susunod na Panahon ng Suskrisyon.
2A.2 Maliban na lamang kung kanselahin, susubukan ng Tagapamahagi na kumuha ng bayad sa iyo (gamit ang iyong naka-save na credit card o mga detalye ng account sa bangko), para sa susunod na Panahon ng Suskrisyon, hanggang sa tatlumpu't limang (35) araw bago ang petsa ng pagre-renew.
2A.3 Sa hangganang hindi makuha ang bayad sa unang pagsubok, gagawa ng higit pang pagsubok ang Tagapamahagi na makuha ang bayad hanggang sa 15 araw pagkatapos ng petsa ng pagre-renew at maaaring makipag-ugnayan sa iyo para i-update ang mga detalye ng pagbabayad mo.
2A.4 Sa awtomatikong pagre-renew ng suskrisyon mo, makakatanggap ka ng email ng kumpirmasyon na kabilang ang lahat ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong awtomatikong pagre-renew at ang tagal ng susunod na Panahon ng Suskrisyon.
2A.5 May karapatan kang itigil ang awtomatikong pagre-renew ng suskrisyon mo gamit ang prosesong inabiso sa iyo sa panahon ng proseso ng order para sa suskrisyon. Ibig sabihin nito, magtatapos ang suskrisyon mo kapag nawalan ng bisa ang kasalukuyang Panahon ng Suskrisyon mo. Kapag pinili mong kanselahin ang awtomatikong pagre-renew ng suskrisyon mo, mananatiling kanselado ang awtomatikong pagre-renew maliban kung papayag ka sa bagong suskrisyon.
2A.6 Kung awtomatikong nagre-renew ang suskrisyon mo, maaari mong kanselahin ang pagre-renew na iyon nang hindi lalampas sa 30 araw pagkatapos ng nasabing petsa ng pagre-renew. Kung kinuha ng Tagapamahagi ang bayad para sa susunod na Panahon ng Suskrisyon (“Bayad sa Pagre-renew”), makakatanggap ka ng buong refund ng Bayad sa Pagre-renew.
Sa Panahon ng Subscription, maaaring pana-panahong mag-deploy ang Nagbebenta ng pag-upgrade, pag-update, o pagpalit para, sa anumang Solution (“Update”) nang walang hiwalay na pahintulot o pagpayag mula sa iyo, at bilang resulta ng anumang naturang pag-deploy nito, maaaring hindi mo magamit ang naaangkop na Solution o Device (o ang ilang partikular na function ng Device) hanggang sa ganap na ma-install o ma-activate ang anumang naturang Update. Ang bawat Update ay ituturing na bahagi ng “Solution” para sa lahat ng layunin sa ilalim ng Kasunduang ito. Ang mga Update ay maaaring maglaman ng mga pagdaragdag sa, at pag-aalis ng, anumang partikular na feature o functionality na iniaalok ng isang Solution, o maaaring palitan ng mga ito nang buo, at ang Nagbebenta ang tutukoy sa nilalaman, mga feature at functionality ng na-update na Solution sa sariling niyang kapasyahan. Hindi inaatasan ang Nagbebenta na ialok sa iyo ang opsyong tanggihan o ipagpaliban ang mga Update ngunit, sa anumang sitwasyon, maaaring kailanganin mong i-download at pahintulutan ang pag-install o pag-activate sa lahat ng makukuhang Update upang masulit ang Solution. Maaaring ihinto ng Nagbebenta ang pagbibigay ng suporta para sa isang Solution hanggang sa tanggapin at i-install o i-activate mo ang lahat ng Update. Tutukuyin ng Nagbebenta, sa kanyang sariling kapasyahan, kapag at kung naaangkop ang mga Update at wala itong obligasyong magbigay sa iyo ng anumang Update. Maaaring ihinto ng Nagbebenta, sa kanyang sariling kapasyahan, ang pagbibigay ng mga Update para sa anumang bersyon ng Solution maliban sa pinakabagong bersyon, o ng mga Update na nagbibigay ng suporta sa paggamit ng Solution kaugnay ng anumang bersyon ng mga operating system, email program, browser program, at iba pang software kung para saan idinisenyo ang Solution.
4.1. Ang mga Solution at ang Dokumentasyon ay intelektwal na ari-arian ng Nagbebenta at pinoprotektahan ng mga naaangkop na batas sa copyright, probisyon ng pandaigdigang kasunduan, at iba pang mga naaangkop na batas ng bansa kung saan ginagamit ang Solution. Ang istruktura, pagkakaayos at computer code ng anumang Software at firmware ay mahahalagang trade secret at kumpidensyal na impormasyon ng Nagbebenta. Sa hangganan na magbibigay ka ng anumang komento o suhestyon tungkol sa Solution sa Nagbebenta, binibigyan mo ang Nagbebenta ng karapatan at lisensya na panatilihin at gamitin ang anumang ganoong komento o suhestyon para sa anumang layunin sa mga kasalukuyan o sa hinaharap nitong produkto o serbisyo, nang hindi ka binabayaran para dito at nang hindi hinihingi ang pag-apruba mo hinggil sa naturang pagpapanatili o paggamit.
4.2. Maliban kung nakasaad sa Kasunduang ito, ang pagkakaroon o paggamit mo ng isang Solution ay hindi nagbibigay sa iyo ng anumang karapatan o titulo sa anumang karapatan sa intelektwal na ari-arian sa Solution o Dokumentasyon. Nakalaan sa Nagbebenta ang lahat ng karapatan sa Solution at Dokumentasyon, kabilang ang lahat ng nauugnay na copyright, patent, karapatan sa trade secret, trademark, at iba pang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian.
5.1. Hindi mo maaaring kopyahin o gamitin ang Solution o ang Dokumentasyon maliban sa nakasaad sa Seksyon 2 ng Kasunduang ito. Hindi mo maaaring gawin, at hindi mo maaaring pahintulutan ang sinumang ikatlong partido na:
5.1.1. gumamit ng anumang code sa pagpapahintulot, numero ng lisensiya, kumbinasyon ng username/password o iba pang code sa pag-activate o numero na mula sa Nagbebenta kaugnay ng anumang Solution (“Code sa Pag-activate”) sa, o para sa, bilang ng mga Device na mahigit sa tinutukoy sa Mga Naaangkop na Kondisyon;
5.1.2. isuwalat ang anumang Code sa Pag-activate sa anumang partido maliban sa Nagbebenta o mga itinalagang kinatawan ng Nagbebenta;
5.1.3. maliban kung hayagang pinahihintulutan ng batas: (i) i-reverse engineer, i-disassemble, i-decompile, isalin, i-reconstruct, i-transform o i-extract ang anumang Solution o anumang bahagi ng Solution (kabilang ang anumang nauugnay na Malicious Code (bilang tinukoy sa ibaba) signature at Malicious Code detection routine); o (ii) baguhin, i-modify o galawin sa anumang paraan ang anumang Solution (kabilang ang anumang nauugnay na mga Malicious Code signature at Malicious Code detection routine). Ang “Malicious Code” ay ang anumang code, feature, routine o device na inilaan, o awtomatikong idini senyo, o mangyayari sa isang pagkakataon, o sa iyong paggawa o di-paggawa ng isang aksyon, o sa direksyon o kontrol ng sinumang tao o entity, na: (a) gambalain ang operasyon ng anumang software, serbisyo, device, ari-arian, network o data; (b) magsanhi ng anumang software, serbisyo, device, ari-arian, network o data na masira, mabago, mabura, mapinsala, o magsanhi sa kanyang operasyon na magambala o bumagal; o (c) pahintulutan ang sinumang tao o entity na ma-access, kumontrol ng, o sumira, magbago, bumura, puminsala, o magsanhi ng gambala o pagbagal ng operasyon ng anumang bahagi ng anumang software, serbisyo, device, ari-arian, network o data, at anumang computer virus, worm, trap door, back door, time bomb, malicious program, o isang mekanismo tulad ng isang software lock o routine para sa password checking, CPU serial number checking, time dependency o anumang ibang code na naglalayon o nakadisenyo na pahintulutan ang anumang bagay na inilarawan sa kahulugang ito (kabilang ang Java applets, ActiveX controls, scripting languages, browser plug-ins o pushed content);
5.1.4. maliban kung pinahihintulutan sa isang kasunduan sa pamamahagi, kasunduan sa reseller o iba pang kasunduan sa pagitan mo at ng Nagbebenta o iba pang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta, mag-publish, magbenta sa iba, mamahagi, mag-broadcast, mag-transmit, mag-communicate, maglipat, magprenda, magpaupa, magbahagi o mag-sublicense ng anumang Solution;
5.1.5. maliban kung hayagang pinahihintulutan ng Kasunduang ito (kabilang ang Seksyon 13.2, 13.5 and 13.7), ang Mga Naaangkop na Kundisyon o ng iba pang kasunduan sa pagitan mo at ng Nagbebenta o iba pang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta, gumamit ng anumang Solution upang pamahalaan ang mga pasilidad ng isang ikatlong partido o magbigay sa anumang ikatlong partido ng access sa o paggamit ng anumang Solution sa isang bureau ng serbisyo, timesharing, serbisyo ng subscription o application service provider o iba pang katulad;
5.1.6. gumamit ng anumang Solution upang magbigay o bumuo ng produkto o serbisyo na kakalaban sa Solution;
5.1.7. gamitin o subukang gamitin ang anumang Solution upang: (i) mag-upload, mag-download, mag-stream, mag-transmit, kumopya o mag-store ng anumang impormasyon, data, o materyal, o makilahok o tumulong sa anumang gawaing maaaring: (A) lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari o iba pang karapatan ng sinumang third party; (B) maglaman ng anumang labag sa batas, mapaminsala, nagbabanta, mapang-abuso, mapanirang-puri o kaya ay hindi kaaya-ayang materyales, anuman ang uri, (C) makapanakit o sumubok na makapanakit ng iba; (D) may potensyal na mag-udyok o bumuo ng pagkilos na labag sa batas, mapaminsala, nagbabanta, mapang-abuso, nanliligalig, mali sa mata ng batas, mapanirang-puri, mapanira, bastos, malaswa, nanghihimasok sa privacy ng iba, mapoot, o may diskriminasyon batay sa lahi, etnisidad, relihiyon o sekswal na oryentasyon o kaya ay hindi kaaya-aya; (E) nagsusulong o nagbibigay ng impormasyong nagtuturo tungkol sa mga ilegal na gawain, nagsusulong ng pisikal na pananakit o pamiminsala laban sa anumang pangkat o indibidwal, o nagsusulong ng anumang paggawa ng karahasan sa mga hayop; (F) nagpapanggap bilang sinumang tao o anumang entity o nagsisinungaling sa anumang paraan tungkol sa iyong kaugnayan sa isang tao o entity; o (G) tumutulong sa anumang panloloko, panlilinlang o pagnanakaw; o (H) makapinsala, pumigil o sumira sa pagpapatakbo ng, o kumuha o sumubok na kumuha ng hindi awtorisadong access, pagtanggap, paggamit, pagkopya, pagbabago o pagsira sa, anumang ari-arian, Device, software, serbisyo, network o data sa anumang paraan, kabilang na ang pangha-hack, pagkuha ng sensitibong impormasyon (phishing), spoofing o paglalayong lusutan o daigin ang anumang firewall, password protection o iba pang proteksyong panseguridad ng impormasyon o kontrol ng anumang uri; (ii) lumabag sa anumang paraan sa anumang naaangkop na lokal, pambansa, o pandaigdigang batas o regulasyon; (iii) doktorin ang mga header o magmanipula sa ibang paraan ng mga identifier para ikubli ang pinagmulan ng anumang content na tina-transmit sa pamamagitan ng paggamit sa Solution; (iv) mag-upload, mag-post, mag-email o mag-transmit sa iba pang paraan ng anumang hindi kanais-nais o hindi awtorisadong advertising, pampromosyong materyales, “junk mail,” “spam,” “chain letter,” o “pyramid scheme”; o (v) mangolekta o mag-store ng personal na data nang hindi nalalaman at hayagang pinahihintulutan ng paksa ng data;
5.1.8. maminsala, pumigil o sumira sa pagpapatakbo ng, o kumuha o sumubok na kumuha ng hindi awtorisadong access sa, anumang Solution o anumang ari-arian, Device, software, serbisyo, network o data na nauugnay sa, o tumatakbo kasabay ng, naturang Solution, o anumang content o data na sino-store, ina-access o inihahatid sa pamamagitan ng naturang Solution, sa anumang paraan, kabilang ang pangha-hack, phishing, spoofing o paglalayong lusutan o daigin ang anumang firewall, proteksyon ng password o iba pang mga proteksyon o Device na proteksyon sa impormasyon o kontrol ng anuman ang uri;
5.1.9. mag-test o mag-benchmark, o maglahad o mag-publish ng mga resulta ng pag-test o pag-benchmark, para sa anumang Solution nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Nagbebenta; o
5.1.10. daigin o lusutan, subukang daigin o lusutan, o pahintulutan o tulungan ang sinumang ikatlong partido na daigin o lusutan ang mga kontrol sa paggamit ng mga kopya ng anumang Solution; o
5.1.11. lumabag sa patakaran ng Nagbebenta na sumasaklaw sa katanggap-tanggap na paggamit sa mga Solution nito (ang “Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit”) na makikita mo rito. Kung at sa hangganan na nagsasalungat ang Kasunduang ito at ang Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit, ang mas mahigpit na probisyon ang susundin.
5.2. Ang ilang partikular na Solution ay maaaring magbigay sa iyo o sa iba pang user ng mga pribilehiyo ng administrator na, bukod sa iba pang bagay ay maaaring magbigay-daan sa administrator na masubaybayan ang iba pang mga Device at/o ang status ng mga Solution na na-deploy sa iba pang mga Device, kabilang halimbawa, ang status ng Panahon ng Subscription, mga mensahe sa Solution, at mga Update. Ipinapahayag at ginagarantiya mo na gagamitin mo ang mga naturang pribilehiyo ng administrator para lang sa mga Device at Solution kung saan ka may pahintulot at hindi para sa iba pang layunin. Ipinapahayag at ginagarantiya mo rin sa Nagbebenta na: (i) mayroon ka ng lahat ng kinakailangang pahintulot na tanggapin ang Kasunduang ito, at i-install at/o gamitin ang Solution sa mga Device, sa ngalan ng sinumang may-ari at user ng mga pinangangasiwaang Device na iyon; at (ii) sa pamamagitan nito ay tinatanggap mo ang Kasunduang ito para sa at sa ngalan ng: (A) sinumang may-ari at user ng mga pinangangasiwaang Device na iyon; at (B) iyong sarili.
5.3. Maaaring bigyan ka ng kakayahan ng ilang Solution na ilathala o pampublikong magbahagi sa iba, nilalaman na iyong nilikha o nakuha mula sa iba pang mapagkukunan (“Nilalaman ng User”). Pinapanatili mo ang lahat ng taglay mo nang karapatan sa intelektwal na ari-arian sa bisa ng naaangkop na batas sa Content ng User na ipa-publish o ibabahagi mo sa pamamagitan ng Solution, alinsunod sa mga karapatan, lisensya, at iba pang mga tuntunin ng Kasunduang ito, kabilang ang anumang angking karapatan ng iba sa anumang Content ng User na maaari mong gamitin o baguhin. Binibigyan mo ang bawat miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta ng hindi eksklusibo, hindi pinaghihigpitan, walang kundisyon, walang limitasyon, pandaigdigan, hindi mababawi, panghabampanahon, at walang royalty na karapatan at lisensya na gamitin, kopyahin, itala, ipamahagi, gawan ng kopya, ilahad, ibenta, muling ibenta, i-sublicense (sa maraming antas), baguhin, iangkop, ipakita, ihandog sa publiko, i-transmit, i-publish, i-broadcast, isalin, paghanguan, at pakinabangan sa iba pa at anumang paraan ang buong Content ng User o anumang bahagi nito na ipa-publish o ibabahagi mo sa pamamagitan ng isang Solution (at mga hinango rito), para lang sa pagbibigay sa iyo ng mga Solution sa ilalim ng Kasunduang ito. Sa tuwing magpa-publish o magbabahagi ka ng anumang Content ng User, ipinapahayag at ginagarantiya mo sa bawat miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta na nasa hustong gulang ka na sa estado o hurisdiksyon kung saan ka nakatira o ikaw ang magulang o legal na tagapag-alaga, o kumpleto mo ang mga pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga, ng sinumang menor-de-edad na ipinapakita o nag-ambag sa anumang Content ng User na ipa-publish o ibabahagi mo, at, kaugnay ng Content ng User na iyon, ipinapahayag at ginagarantiya mo na: (i) ikaw ang tanging may-akda at may-ari ng mga karapatan sa intelektwal na ari-arian at iba pang mga karapatan sa Content ng User, o mayroon kang karapatan ayon sa batas na i-publish at ibahagi ang Content ng User at bigyan ang bawat miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta ng karapatang gamitin ito ayon sa nakasaad sa Seksyon 5.3,na ito, nang walang anumang ipinapataw na obligasyon sa anumang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta na hingin ang pahintulot ng anumang ikatlong partido at nang hindi gumagawa ng anumang obligasyon o pananagutan para sa anumang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta; (ii) tumpak ang Content ng User; (iii) ang Content ng User ay hindi lumalabag at, ukol sa mga pinahihintulutang paggamit at pakikinabang ng bawat miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta na nakasaad sa Kasunduang ito, hindi lalabag sa anumang karapatan sa intelektwal na ari-arian o iba pang karapatan ng anumang ikatlong partido; at (iv) ang Content ng User ay hindi lalabag sa Kasunduang ito o magsasanhi ng pinsala o pananakit kaninuman.
6.1. Sakop ng mga susunod na bahagi ng Seksyon 6na ito, ginagarantiya sa iyo ng Nagbebenta na gagana, o pagaganahin nang mahigit, ang Solution nang alinsunod sa Dokumentasyon sa loob ng 30 araw matapos mong bilihin ang Solution. Para mag-claim ng warranty, dapat mong sundin ang mga tagubiling mula sa pinagbilhan mo ng Solution. Kung hindi gagana ang Solution nang mahigit na alinsunod sa Dokumentasyon, ang buo at eksklusibong pananagutan ng bawat miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta at bawat Kasosyo ng Nagbebenta, at ang iyong tangi at eksklusibong remedyo, kaugnay ng naturang warranty, ay malilimitahan, ayon sa pipiliin ng Nagbebenta, na: (i) pagpapalit sa Solution; o (ii) pagsasauli sa Solution upang makakuha ng refund para sa bahagi ng ibinayad mo para sa subscription para sa hindi pa nag-e-expire o hindi nagamit na bahagi ng Panahon ng Subscription. Sakop lang ang warranty na ito ang mismong Solution na ihinatid, at hindi ito ipinapatupad sa: (i) anumang Update; (ii) anumang depektong dulot ng pagsasama, pagpapatakbo o paggamit ng Solution sa: (A) software, hardware o iba pang materyal na hindi mula sa Nagbebenta; o (B) mga Device, software, o iba pang materyal na hindi nakakatugon sa mga kinakailangan ng Nagbebenta na nakasaad sa Dokumentasyon.
6.2. MALIBAN KUNG NAKASAAD SA SEKSYON 6.1 NG KASUNDUANG ITO, HINDI GINAGARANTIYA NG MGA MIYEMBRO NG PANGKAT NG NAGBEBENTA AT KASOSYO NG NAGBEBENTA ANG PAGGANA O MGA RESULTA NA MAAARI MONG MAKUHA SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT SA ANUMANG SOLUTION O DOKUMENTASYON. MALIBAN KUNG NAKASAAD SA SEKSYON 6.1 NG KASUNDUANG ITO, ANG SOLUTION AY IBINIBIGAY NANG “WALANG PAGBABAGO” AT HINDI NAGBIBIGAY ANG MGA MIYEMBRO NG PANGKAT NG NAGBEBENTA AT KASOSYO NG NAGBEBENTA NG ANUMANG HAYAGAN O IPINAPAHIWATIG NA GARANTIYA O KUNDISYON AT, HANGGA’T PINAHIHINTULUTAN NG BATAS, ITINATATUWA NG MGA ITO ANG LAHAT NG GARANTIYA AT KUNDISYON NA IPINAPAHIWATIG NG IPINASANG BATAS, BATAS BATAY SA HATOL, PALABATASAN O IBA PANG MGA TEORYA NG BATAS, KABILANG ANG MGA IPINAPAHIWATIG NA GARANTIYA O KUNDISYON NG HINDI PAGLABAG SA MGA KARAPATAN NG IKATLONG PARTIDO, TITULO, KAKAYAHANG MAIKALAKAL, NAAANGKOP NA KALIDAD O KAANGKUPAN PARA SA ANUMANG PARTIKULAR NA LAYUNIN. HINDI GINAGARANTIYA NG NAGBEBENTA NA MAGIGING TULUY-TULOY AT WALANG PROBLEMA ANG PAGPAPATAKBO NG ANUMANG SOLUTION, NA GAGANA NANG MAAYOS ANG ANUMANG SOLUTION SA ANUMANG PARTIKULAR NA DEVICE O SA ANUMANG PARTIKULAR NA KUMPIGURASYON NG HARDWARE AT/O SOFTWARE, O NA MAGBIBIGAY ANG ANUMANG SOLUTION NG KUMPLETONG PROTEKSYON PARA SA INTEGRIDAD NG NAPILING DATA, IMPORMASYON O CONTENT NA SINO-STORE O TINA-TRANSMIT SA PAMAMAGITAN NG INTERNET.
6.3. SA KABILA NG ANUPAMANG PROBISYON NG KASUNDUANG ITO, ANG ANUMANG SOLUTION NA IBIBIGAY SA IYO NANG WALANG BAYAD (KABILANG ANG ANUMANG SOLUTION NA IBIBIGAY BILANG “LIBRE,” “TRIAL” O “BETA” NA SOLUTION) AY IBIBIGAY NANG “WALANG PAGBABAGO,” “KASAMA ANG LAHAT NG PROBLEMA,” AT “KUNG AVAILABLE,” NANG WALANG ANUMANG URI NG WARRANTY AT WALANG SUPORTA O IBA PANG SERBISYO MULA SA NAGBEBENTA.
6.4. HANGGANG SA BUONG SUKDULANG PINAPAHINTULUTAN NG BATAS, SA WALANG PANGYAYARI NA ANG NAGBEBENTA O ANUMANG KUMPANYA NA NAGKOKONTROL, AY KINOKONTROL NG O NASA ILALIM NG KARANIWANG KONTROL SA NAGBEBENTA (SA KABUUAN, ANG “GRUPO NG NAGBEBENTA”) O ANG KANI-KANILANG MGA AHENTE, TAGAPAGLISENSIYA, KINATAWAN, SUPPLIER, TAGAPAMAHAGI, MULING TAGABENTA, WIRELESS NA TAGPAGDALA SA KUNG KANINONG NETWORK O SYSTEM NA IBINIBIGAY ANG ANUMANG SOLUTION, O ANUPAMANG KASOSYO SA NEGOSYO NG SINUMANG MIYEMBRO NG GRUPO NG NAGBEBENTA (SA KABUUAN, ANG “MGA KASYOSYO NG NAGBEBENTA”) AY MANANAGOT SA IYO O SINUMANG THIRD PARTY PARA SA:
6.4.1. ANUMANG HINDI DIREKTA, NAGRERESULTA, HINDI SINASADYA, PAMPARUSA, ESPESYAL O PAMBABALANG BAYAD-PINSALA O ANUMANG URI NG PAGKALUGI, ANUMAN ANG SANHI O TEORYA NG PANANAGUTAN;
6.4.2. ANUMANG BAYAD-PINSALA PARA SA ANUMANG PAGKALUGI SA NEGOSYO, KITA O TUBO, KAWALAN NG PRIVACY, KAWALAN NG KAKAYAHANG MAGAMIT ANG ANUMANG SOLUTION O DEVICE (KABILANG ANG SOLUTION), NASAYANG NA GASTOS, GASTOS SA PAGKUHA NG KAHALILI O PAMALIT NA PRODUKTO, SERBISYO O DIGITAL NA PRODUKTO, PAGKAANTALA SA NEGOSYO, ANUMANG HINDI AWTORISADONG PAGLALAHAD O PAGKAWALA (KABILANG ANG ANUMANG PAGKASIRA, PAGKAPINSALA O KAWALAN NG KAKAYAHAN SA PAG-ACCESS) NG ANUMANG URI NG DATA O IMPORMASYON (DIREKTA MAN O HINDI DIREKTANG PAGKALUGI O PINSALA ANG ALINMAN SA MGA NABANGGIT NA PAGKALUGI, PINSALA, GASTOS O PAGKAWALA); O
6.4.3. ANUMANG IBA PANG PAGKALUGI O PINSALA NA MAY KINALAMAN O WALANG KINALAMAN SA PERA NA MATATAMO KAUGNAY NG KASUNDUANG ITO O ANUMANG SOLUTION NA IBINIBIGAY DITO;
KAHIT NA NAABISUHAN NA ANG NATURANG MIYEMBRO NG PANGKAT NG NAGBEBENTA O KASOSYO NG NAGBEBENTA TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG ANUMANG NASABING PAGKALUGI O PINSALA. SA KABILA NG ANUMANG NAKASAAD SA KASUNDUANG ITO O IBA PA NA SUMASALUNGAT DITO, WALANG ANUMANG MIYEMBRO NG PANGKAT NG NAGBEBENTA O ANUMANG KASOSYO NG NAGBEBENTA ANG MANANAGOT SA IYO O SA ANUMANG IKATLONG PARTIDO PARA SA ANUMANG PAGKALUGI O PINSALA (DIREKTA MAN O HINDI DIREKTA) NA BUNGA NG ANUMANG HINDI AWTORISADONG PAG-ACCESS SA, O ANUMANG PAGKASIRA, PAGKAPINSALA, KAWALAN NG KAKAYAHAN SA PAG-ACCESS, PAGKABURA, PAGKANAKAW, PAGKAWASAK, PAGBAGO, PAGLALAHAD O PAGKAWALA NG ANUMANG DATA, IMPORMASYON O CONTENT NA ITA-TRANSMIT, MATATANGGAP O ISO-STORE SA PAMAMAGITAN NG O KAUGNAY NG ANUMANG SOLUTION, ANUMAN ANG SANHI. HANGGA’T PINAHIHINTULUTAN NG BATAS, ANG KABUUAN NG PINAGSAMA-SAMANG PANANAGUTAN NG ANUMANG MIYEMBRO NG PANGKAT NG NAGBEBENTA O ANUMANG KASOSYO NG NAGBEBENTA SA IYO O SA ANUMANG IKATLONG PARTIDO PARA SA LAHAT NG PAGKALUGI AT PINSALA NA MATATAMO DAHIL SA O KAUGNAY NG ANUMANG SOLUTION, SUBSCRIPTION O KASUNDUANG ITO, SA ANUMANG SITWASYON, AY HINDI DAPAT LUMAMPAS SA MAS MALAKI SA: (I) LIMANG U.S. DOLLAR (US$5.00); AT (II) HALAGA NG IBINAYAD MO SA SUBSCRIPTION PARA SA NAKALIPAS NA 12 BUWAN NG PANAHON NG SUBSCRIPTION.
6.5. HINDI LILIMITAHAN O IBUBUKOD NG MGA PAGBUBUKOD AT LIMITASYON NG PANANAGUTAN NG MGA MIYEMBRO NG PANGKAT NG NAGBEBENTA AT KASOSYO NG NAGBEBENTA NA NAKAPALOOB SA KASUNDUANG ITO ANG POTENSYAL NA PANANAGUTAN NG MGA ITO PARA SA:
6.5.1. KAMATAYAN, PERSONAL NA PINSALA O PANLOLOKO NA HINDI SAKLAW NG PINAHIHINTULUTAN NG MGA NAAANGKOP NA BATAS; AT
6.5.2. ANUMANG BAGAY NA MAAARING HINDI NILILIMITAHAN O IBINUBUKOD NG MGA NAAANGKOP NA BATAS.
7.1. Tumutukoy ang salitang “Data, gaya ng paggamit nito sa Kasunduang ito at sa Patakaran ukol sa Pagkapribado, sa: (a) ang impormasyong ibibigay mo sa Nagbebenta, isa pang miyembro ng Grupo ng Nagbebenta, o isang Nagbebenta na Partner sa proseso ng pag-order ng mga Solution, kabilang ang iyong pangalan, adress ng billing (kasama ang postal code), email address, numero ng telepono, payment card, o account number, payment card o code sa pag-verify ng account, petsa ng pagsisimula at pag-expire ng payment card, ang password ng account na pipiliin mo para sa iyong account sa Nagbebenta o isa pang miyembro ng Grupo ng Nagbebenta, at iba pang Data ng Pagsingil gaya ng tinutukoy sa Patakaran ukol sa Pagkapribado ng Nagbebenta (ang “Patakaran ukol sa Pagkapribado”, na mahahanap mo rito) (pare-parehong tinutukoy bilang, “Data ng Transaksyon”); (b) Impormasyong kinokolekta ng Nagbebenta, isa pang miyembro ng Grupo ng Nagbebenta o isang Nagbebenta na Partner sa proseso ng pagproseso at pagtugon sa iyong mga order na Solution, kabilang ang impormasyon tungkol sa manufacturer, modelo, operating system, at iba pang detalye sa pagkakakilanlan ng iyong Device, pangalan ng iyong Internet service provider, iyong Internet Protocol (IP) address; at (c) impormasyon tungkol sa pag-install at paggamit mo sa mga Solution (parehong tinutukoy ang (b) at (c) bilang “Data ng Serbisyo” sa Patakaran ukol sa Pagkapribado).
7.2. Kinukumpirma mong pinapayagan mo ang Nagbebenta, ang isa pang miyembro ng Grupo ng Nagbebenta, o ang isang Nagbebenta na Partner na gamitin ang iyong Data, para sa mga layuning inilalarawan sa Patakaran sa Privacy. Kinukumpirma mong kabilang sa naturang paggamit sa iyong Data ang pagproseso at pagtugon sa iyong mga order para sa mga subscription, pagpapahusay sa mga Solution, at pagbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga Solution kung saan ka nag-subscribe at pag-aalok sa iyo ng iba pang mga Solution. Kinukumpirma mo na maaaring ibahagi ng Nagbebenta o iba pang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta ang iyong Data sa mga Kasosyo ng Nagbebenta gaya ng mga ecommerce platform provider at payment processor ng Nagbebenta, mga supplier na nagbibigay ng suporta, serbisyo at Solution sa iyo sa ngalan ng Nagbebenta, at mga supplier na nagbibigay sa Nagbebenta o sa isang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta ng analytics sa pagbili at analytics sa pag-crash kaugnay ng mga Solution.
8.1. Ang Kasunduang ito ay agarang magwawakas kapag hindi mo nasunod ang alinman sa iyong mga obligasyon sa Kasunduang ito (kabilang ang anumang paglabag sa iyong mga obligasyon sa Seksyon 2, 5 or 10), na magreresulta sa pagpapawalang-bisa sa anumang karapatang maaaring mayroon ka na makatanggap ng mga Update o na makakuha ng refund para sa bahagi ng ibinayad mo para sa subscription para sa hindi pa nag-e-expire o hindi pa nagagamit na bahagi ng Panahon ng Subscription. Mayroong karapatan ang Nagbebenta para sa anumang iba pang remedyo na maaaring makuha sa ilalim ng batas kung sakaling negatibong makaapekto ang paglabag mo sa alinman sa iyong mga obligasyon na nakasaad sa Kasunduang ito sa anumang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta o anumang Kasosyo ng Nagbebenta. Ang mga pagbubukod at limitasyon ng pananagutan ng mga miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta at Kasosyo ng Nagbebenta na nakapaloob sa Kasunduang ito ay mananatiling may bisa kahit magwakas ang Kasunduang ito.
8.2. Sa pamamagitan ng pag-aabiso sa iyo, maaaring wakasan kaagad ng Nagbebenta ang Kasunduang ito anumang oras kaugnay ng anumang partikular na Solution o ng lahat ng Solution at ang buo at eksklusibong pananagutan ng bawat miyembro ng Grupo ng Nagbebenta at bawat Nagbebenta na Partner, at ang iyong natatangi at eksklusibong remedyo, kaugnay ng anumang ganoong pagwawakas, ay malilimitahan sa isang refund para sa bahagi ng mga ibinayad mo para sa subscription para sa hindi pa nag-e-expire o hindi pa nagagamit na bahagi ng Panahon ng Subscription. Mula sa petsa ng pagkakaroon ng bisa ng naturang pagwawakas, hindi mo na magagamit ang anumang naapektuhang Solution at Dokumentasyon.
8.3. Kung ang Panahon ng Subscription ay may kondisyon na bayaran mo muna ang bayad o singil, at kapag ang Nagbebenta ay hindi pa nakatanggap ng kabayaran sa 15th na araw kasunod ng suskrisyon ng kabayaran, ituturing ka na nagsuko ng iyong lisensiya na gamitin ang Solution, at ang lisensiya ay agarang ipagwawalang-bisa nang walang karagdagang aksyon mo o ng Nagbebenta.
Lahat ng Solution ay itinuturing na “pangkomersyal na item,” dahil ayon sa 48 C.F.R. 2.101, nasasaklaw ng salitang iyon ang “pangkomersyal na computer software” at “dokumentasyon ng pangkomersyal na computer software,” na mga tuntuning ginagamit sa 48 C.F.R. 12.212. Alinsunod sa 48 C.F.R. 12.212 at 48 C.F.R. 227.7202-1 hanggang 227.7202-4, makukuha ng lahat ng end user na Pamahalaan ng U.S. ang mga nasabing Solution at nauugnay na Dokumentasyon nang mayroon lang ng mga karapatang nakasaad sa Kasunduang ito na nalalapat sa mga hindi pampamahalaang customer. Ang paggamit sa mga nasabing Solution at nauugnay na Dokumentasyon ay ituturing na pagsang-ayon ng entity ng Pamahalaan ng U.S. na pangkomersyal ang computer software at dokumentasyon ng computer software, at ituturing na pagtanggap sa mga karapatan at paghihigpit na nakasaad sa Kasunduang ito.
Dapat kang sumunod sa lahat ng naaangkop na batas ng U.S. at pandaigdigang batas na sumasaklaw sa pag-export at muling pag-export ng mga Solution, kabilang ang U.S. Export Administration Regulations, gayundin sa mga paghihigpit sa end user, end use at destinasyon na ipinatutupad ng Pamahalaan ng U.S. at iba pang pamahalaan. Ipinapahayag, ginagarantiya at ipinapangako mo, nang hindi nililimitahan ang mga nabanggit, na: (i) hindi ka kabilang sa alinman sa listahan ng mga tinatanggihang tao, listahan ng mga hindi na-verify, listahan ng mga entity, listahan ng mga mamamayang espesyal na itinalaga, listahan ng mga pinagbabawalan o anumang iba pang mga listahan na inilathala ng Pamahalaan ng U.S.; at (ii) hindi ka gagamit, mag-e-export o muling mag-e-export ng anumang Solution sa, o patungo sa, mga teritoryo, destinasyon, kumpanya o indibidwal na lumalabag sa mga embargo o paghihigpit sa kalakalan ng U.S. at E.U. Bibigyan mo ng seguridad, ipagtatanggol at hindi papanagutin ang bawat miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta laban sa anumang paghahabol, hinihingi, demanda o paglilitis, at laban sa lahat ng pinsala, pananagutan at gastos na idudulot ng hindi mo pagsunod sa Seksyon 10na ito.
11.1. Ang Seksyon 11 na ito ay nalalapat sa anumang Hindi Pagkakasundo na dulot ng o kaugnay ng anumang Solution, subscription para sa anumang Solution o Kasunduang ito, sa pagitan mo at ng Nagbebenta. Ang “Pagtatalo, para sa mga layunin ng Seksyon 11 na ito, ay nangangahulugan ng anumang pagtatalo, sakdal, o iba pang kontrobersya nang pagtatangi sa partikular na sanhi ng (mga) sakdal na ipinapahayag (yan ay, sumasaklaw ito, sa anupamang potensyal na sanhi ng sakdal o legal na batayan, mga claim para sa paglabag ng kontrata, pagsisinungaling o pandaraya, pagbabayad-pinsala, anumang nagawang mali (kabilang ang kapabayaan) paglabag ng batas o regulasyon).
11.2. Kung sakaling magkaroon ng Hindi Pagkakasundo, dapat mong bigyan ang Nagbebenta ng paunawa tungkol sa Hindi Pagkakasundo, na isang nakasulat na pahayag na nagsasaad sa iyong pangalan, address at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, sa mga bagay na sanhi ng Hindi Pagkakasundo, at sa remedyong hinihiling mo. Dapat kang magpadala ng anumang abiso ng Pagtatalo sa pamamagitan ng email sa Nagbebenta sa legal.department@gendigital.com (nagsasaad ng Paksa: Seksyon 11 ng Paunawa ng Pagtatalo sa Ilalim ng EULA).
11.3. PAISA-ISANG DIDINGGIN ANG ANUMANG PAGHAHABLA UPANG LUTASIN O LITISIN ANG ANUMANG HINDI PAGKAKASUNDO SA ANUMANG FORUM. HINDI MO HIHILINGING DINGGIN ANG ANUMANG HINDI PAGKAKASUNDO BILANG SAMA-SAMANG PAGHAHABLA, PAGHAHABLA NG PRIBADONG ATTORNEY GENERAL, O SA ANUMANG IBA PANG PAGHAHABLA KUNG SAAN KUMIKILOS O NAGMUMUNGKAHING KUMILOS ANG ALINMANG PARTIDO BILANG KINATAWAN. HINDI MAGSASAMA NG ANUMANG ARBITRASYON O PAGHAHABLA SA ISA PANG ARBITRASYON O PAGHAHABLA NANG WALANG PAUNANG NAKASULAT NA PAHINTULOT NG LAHAT NG PARTIDO PARA SA LAHAT NG MAAAPEKTUHANG ARBITRASYON AT PAGHAHABLA.
11.4. Kung ikaw at ang Nagbebenta ay hindi magkasundo sa anumang Dispute [Pagtatalo] gamit ang di-pormal na negosasyon, isasagawa ang anumang hakbang na resolbahin ang Dispute ng eksklusibo gamit ang binding arbitration na ipinapatupad sa United States Federal Arbitration Act (“FAA”), 9 U.S.C. § 1 et seq., at ng mga batas ng Estado ng New York (nang hindi sumasangguni sa mga piniling prinsipyo ng batas). Maliban sa inilaan sa Seksyon 11.5 sa ibaba, ipinapaubaya mo ang karapatan na maghabla (o lumahok sa isang paglilitis bilang partido o class member) sa lahat ng mga Dispute sa hukuman sa harap ng huwes o hurado. Sa halip, lulutasin ang lahat ng Hindi Pagkakasundo sa harap ng isang walang kinikilingang arbitrator, na siyang magbababa ng desisyong ituturing na pinal maliban sa limitadong karapatang humiling ng pagsusuri ng hukom sa ilalim ng FAA. Maaaring ipatupad ng anumang hukumang may hurisdiksyon sa mga partido ang gawad ng arbitrator.
11.5. Ang kinakailangan sa arbitrasyon ng Seksyon 11 na ito ay napapailalim sa mga sumusunod na pagbubukod:
11.5.1. Maaari mong ipalitis ang anumang Hindi Pagkakasundo sa small claims court, sa county o iba pang katulad na pulitikal na dibisyon kung saan ka nakatira, kung nakakatugon ang Hindi Pagkakasundo sa lahat ng kinakailangan upang madinig sa small claims court. Kung magsasampa ka ng paghahabol sa small claims court, ikaw ang responsable sa lahat ng gastos at bayarin sa hukuman.
11.5.2. Ang lahat ng Hindi Pagkakasundo hinggil sa anumang ipinaparatang na maling paggamit sa intelektwal na ari-arian mo o ng Nagbebenta ay lulutasin sa hukuman.
11.5.3. Kung isa kang consumer at naninirahan sa European Union, Norway, Iceland, o Lichtenstein, maaaring kang maging karapat-dapat na paaksyunan ang iyong Pagtutol sa pamamagitan ng platform ng internet para sa resolusyon ng online na pagtatalong itinaguyod ng European Commission (ang “ODR Platform”). Nilayon ang ODR Platform para pangasiwaan ang mga paglutas sa labas ng hukuman na nauugnay sa mga pagbili online ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga consumer at trader na nakabase sa European Union, Norway, Iceland at Lichtenstein. Makikita mo ang ODR Platform sa pamamagitan ng pagsunod sa link na ito: http://ec.europa.eu/consumers/odr/.
11.6. Ang anumang arbitrasyon ay pangangasiwaan ng American Arbitration Association (ang “AAA”) alinsunod sa “Mga Alituntunin sa Arbitrasyon ng Consumer” ng AAA na nagkaroon ng bisa noong Setyembre 1, 2014, pati sa “Mga Gastos sa Arbitrasyon (Kabilang ang mga Bayarin sa Pangangasiwa ng AAA)” na nagkaroon ng bisa noong Setyembre 1, 2014 (ang “Mga Proseso ng Consumer” sa pangkalahatan) at mapapailalim sa mga sumusunod:
11.6.1. Ang Mga Proseso ng Consumer ay nagtatakda ng ilang partikular na bayarin, at partikular na naglalaan ng ilan sa consumer (ikaw) at ng iba pa sa negosyo (Nagbebenta). Kung ang iyong paghahabol ay US$75,000 o pababa, babayaran ng Nagbebenta ang lahat ng tinukoy na bayarin at gastusin na iyon, pati ang mga nakalaan sa consumer. Hindi sumasang-ayon ang Nagbebenta na sumagot ng anumang iba pang gastusin. Kung ang iyong paghahabol ay mahigit US$75,000, ang Mga Proseso ng Consumer ang masusunod hinggil sa pagbabayad.
11.6.2. Maliban kung nakasaad sa ibaba, ipapatupad ang Mga Proseso ng Consumer ng AAA sa anumang Hindi Pagkakasundo sa pagitan ng mga partido. Gayunpaman, alinsunod sa R-1(e) ng Mga Alituntunin sa Arbitrasyon ng Consumer, maaaring idulog ng isang partido ang angkop na paglalapat ng Mga Alituntunin sa Arbitrasyon ng Consumer sa isang arbitrator para sa pinal na desisyon. Kung may salungatan sa pagitan ng Kasunduang ito at ng Mga Proseso ng Consumer, ang Kasunduang ito ang susundin. Magpapasimula ka lang ng arbitrasyon sa county o iba pang katulad na pulitikal na dibisyon kung saan ka nakatira. Ang mga pagdinig ng arbitrasyon ay isasagawa sa pamamagitan ng kumperensyang tawag. Gayunpaman, kung isasagawa ang mga pagdinig alinsunod sa Mga Proseso ng Consumer ng AAA, ang (mga) arbitrator ang magpapasya kung mangangailangan ng harapang pagdinig kung hihilingin ng isang partido.
11.6.3. Sumasang-ayon kayo ng Nagbebenta na ang paggamit sa AAA upang pangasiwaan ang arbitrasyon ay hindi mahalaga sa pagkakasundo ng mga partido na mag-arbitrate ng mga Hindi Pagkakasundo. Kung hindi magsasagawa o hindi makakapagsagawa ang AAA ng arbitrasyon, tapat kayong mag-uusap ng Nagbebenta na magkasundo sa isang arbitrator na lulutas sa Hindi Pagkakasundo ayon sa nakasaad sa Mga Proseso ng Consumer. Kung hindi magkakasundo ang mga partido sa isang arbitrator, maaaring magtalaga ang isang hukumang may angkop na hurisdiksyon ng arbitrator, na susunod sa Mga Proseso ng Consumer ng AAA.
11.6.4. Kung ang isa o higit pang bahagi ng Seksyon 11 na ito ay mapapag-alamang hindi legal, hindi wasto o hindi maipapatupad hinggil sa buong Hindi Pagkakasundo o mga bahagi nito, ipapawalang-bisa, kaugnay nito at sa ganitong sitwasyon lang, ang mga bahaging iyon, at lulutasin ang Hindi Pagkakasundo alinsunod sa lahat ng matitirang bahagi ng Seksyon 11 na ito at lahat ng iba pang probisyon ng Kasunduang ito. Kung ang naturang pagpapawalang-bisa ay magreresulta sa pagdinig sa buong Hindi Pagkakasundo o mga bahagi nito sa isang hukuman ng batas, ang may eksklusibong hurisdiksyon para sa anumang nasabing pagdinig sa hukuman ay ang mga hukuman sa county ng New York, New York, U.S. Para sa mga layunin ng anumang nasabing pagdinig sa hukuman, tinatanggap mo, at hindi mo hahamunin, ang personal na hurisdiksyon sa iyo ng mga hukuman sa New York, New York, at isinusuko mo rin ang pagtutol batay sa hindi wastong dulugan o forum non conveniens at hindi mo hihilinging lumipat sa iba pang distrito o hurisdiksyon.
11.7. Sa kabila nito ang mga nauunang talata ng Seksyong 11, na ito, kung kukuha ka ng Solution para bukod sa personal o pangsambahayang paggamit, ang mga paglilitis ng arbitrasyon, kabilang ang kabayaran ng gastos, ay pangangasiwaan nang naaayon sa Commercial Arbitration Rules ng AAA (ang “Komersyal na mga Proseso”). Ang Mga Pangkomersyal na Proseso ay naaangkop na inilalapat sa anumang Hindi Pagkakasundo sa pagitan ng mga partido, at hindi ka magsusulong ng iba pa sa anumang pagdinig. Gayunpaman, ang Kasunduang ito at susundin sa hangganan na may kasalungat sa Mga Pangkomersyal na Proseso.
12.1. Paunawa. Maaaring magpadala sa iyo ang Nagbebenta anumang oras ng anumang paunawa sa pamamagitan ng electronic mail, pop-up window, dialog box o iba pang paraan, kahit na sa ilang pagkakataon, maaaring hindi mo matanggap ang paunawa maliban na lang kung bubuksan mo, at hangga’t hindi mo binubuksan, ang isang Solution. Ang anumang ganoong paunawa ay ituturing na naipadala sa petsa kung kailan ito unang ibinigay ng Nagbebenta sa pamamagitan ng isang Solution, kahit anong petsa mo man ito talaga natanggap.
12.2. Katanungan Tungkol sa Kasunduang Ito. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Kasunduang ito o may gustong hinging anumang impormasyon mula sa Vendor [Nagbebenta],
12.2.1. Sumulat sa Avast Software s.r.o., Pikrtova 1737/1a, Prague 4, Postal Code 140 00, Czech Republic (tel.: +420 274 005 777); o
12.2.2. Kontakin ang Vendor sa pamamagitan ng email o bumisita sa website ng Vendor sa address na ibinigay dito
12.3. Magkakahiwalay na Kasunduan. Kung bumili ka ng dalawa o higit pang Solution, kahit na sa iisang transaksyon lang, o kung bumili ka ng mga subscription sa anumang isang Solution sa maraming transaksyon, maaaring maraming beses mo nang tinanggap ang Kasunduan sa Lisensya ng End User na ito. Bagama’t maaaring magkahawig o magkapareho ang mga tuntunin at kundisyon na tinanggap mo, sa bawat pagkakataong tinanggap mo ang mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduan sa Lisensya ng End User na ito, pumasok ka sa iba at hiwalay na kasunduan sa pagitan mo at ng Nagbebenta na nagbibigay sa naaangkop na Solution.
12.4. Buong Kasunduan. Ang Kasunduang ito ang bumubuo sa buong kasunduan sa pagitan mo at ng Nagbebenta kaugnay ng iyong paggamit sa mga Solution at Dokumentasyon. Pinapalitan ng Kasunduang ito ang lahat ng nauna o kasabay na pasalita o nakasulat na mensahe, panukala, pahayag, garantiya at paglalarawan kaugnay ng iyong pag-install at/o paggamit sa mga Solution o Dokumentasyon. Sa kabila ng nabanggit, walang nakasaad sa Kasunduang ito ang babawas sa anumang mga karapatang maaaring mayroon ka sa ilalim ng kasalukuyang batas sa proteksyon ng consumer o iba pang mga naaangkop na batas sa iyong hurisdiksyon na hindi maaaring ipawalang-bisa sa pamamagitan ng kontrata. Ang Kasunduang ito, ang Mga Naaangkop na Kundisyon at ang Dokumentasyon, hangga’t makatuwirang maisasagawa, ay ipapakahulugan upang maging naaayon sa isa’t isa, ngunit kung sakaling magkaroon ng salungatan, ang susundin sa mga ito ay ayon sa pagkakasunud-sunod na ito: (i) ang Mga Naaangkop na Kundisyon; (ii) ang Kasunduang ito; at (iii) ang Dokumentasyon.
12.5. Interpretasyon. Ang mga heading sa Kasunduang ito ay hindi nakakaapekto sa interpretasyon nito. Nasasaklaw ng paggamit sa anumang kasarian ang lahat ng kasarian. Nasasaklaw ng pang-isahan ang pangmaramihan, at gayundin sa kabaligtaran. Kapag binigyang-kahulugan ang isang salita o parirala, may kaukulang kahulugan ang iba pa nitong anyo sa balarila. Ang mga salitang “kabilang” at “kinabibilangan” ay ipapakahulugan bilang sinusundan ng mga salitang “nang walang limitasyon. Ang anumang pagtukoy sa “paggamit” mo ng anumang software, Solution o Update ay ituturing na kinabibilangan ng anumang pag-install sa anumang nasabing software, Solution o Update (maliban na lang kung may ibang kinakailangan sa konteksto). Ang Kasunduang ito ay unang inihanda sa wikang English. Bagama’t maaaring magbigay ang Nagbebenta ng isa o higit pang nakasalin na bersyon ng Kasunduang ito para sa kaginhawaan mo, ang bersyon sa wikang English ng Kasunduang ito ang susunding bersyon ng Kasunduang ito kung sakaling magkaroon ng anumang salungatan o pagkakaiba. Kung sakaling malabuan o magkaroon ng tanong tungkol sa layunin o interpretasyon, sa anumang pagdinig sa hukuman o iba pa, ipapakahulugan ang mga tuntunin ng Kasunduang ito bilang sama-samang binuo ng mga partido, at hindi magkakaroon ng pagpapalagay o pangangailangang magbigay ng katibayan na pabor o hindi pabor sa anumang partido nang dahil sa pagsulat sa anumang probisyon ng Kasunduang ito.
12.6. Kakayahang Putulin. Kung ang anumang probisyon ng Kasunduang ito ay mapagpasyahang ilegal, hindi wasto o hindi maipapatupad sa ilalim ng anumang naaangkop na batas, hanggang sa sukdulang iyon, ituturing itong hindi na bahagi ng Kasunduang ito, ngunit mananatiling may bisa at maipapatupad ang natitirang bahagi ng Kasunduang ito hangga’t pinahihintulutan ng naaangkop na batas.
12.7. Pagkaimposible. Ang Nagbebenta ay hindi mananagot para sa anumang pagpalya o pagkaantala sa paggana, na dulot sa kabuuan o bahagi lang ng mga pagpalya ng utility (kabilang ang kuryente), pagpalya ng internet, pagpalya ng mga serbisyo sa telecommunications o information technology, pagpalya ng kagamitan sa telecommunications o information technology, welga o iba pang pagkakagulo sa lakas-paggawa (kabilang nang walang limitasyon ang mangyayaring welga o iba pang pagkakagulo sa lakas-paggawa na may kinalaman sa anumang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta o anumang Kasosyo ng Nagbebenta), digmaan o terorismo, atakeng hindi pagbibigay ng serbisyo o iba pang atake o paglabag sa information technology na nakakaapekto sa anumang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta o anumang Kasosyo ng Nagbebenta, baha, sabotahe, sunog, iba pang sakuna o kalamidad, o anumang iba pang sanhi na hindi kontrolado ng anumang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta o Kasosyo ng Nagbebenta.
12.8. Pagpapaubaya. Ang hindi pagpilit ng alinmang partido sa mahigpit na pagtupad sa alinman sa mga tuntunin, kundisyon at probisyon ng Kasunduang ito ay hindi ipapakahulugan na pagsusuko o pagpapaubaya ng pagsunod sa hinaharap sa Kasunduang ito, at patuloy na magkakaroon ng bisa ang mga tuntunin, kundisyon at probisyon ng Kasunduang ito. Walang anumang pagsusuko ng anumang tuntunin o kundisyon ng Kasunduang ito ng alinmang partido ang magkakaroon ng bisa para sa anumang layunin maliban na lang kung isinulat at nilagdaan ng naturang partido ang nasabing pagsusuko. Ang pagsusuko ng alinmang partido sa isang paglabag sa anumang probisyon ng Kasunduang ito ng ibang partido ay hindi ipapakahulugan bilang patuloy na pagsusuko ng naturang paglabag o bilang pagsusuko ng iba pang paglabag sa pareho o sa iba pang probisyon ng Kasunduang ito.
12.9. Pagtatakda. Hindi mo maaaring itakda ang iyong mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Nagbebenta. Maaaring itakda ng Nagbebenta ang Kasunduang ito anumang oras sa sariling pagpapasya nito nang walang anumang paunang nakasulat na pahintulot mo.
12.10. Walang Benepisyaryo ng Third Party. Walang nakasaad sa Kasunduang ito, hayagan man o ipinapahiwatig, ang ginawa upang magbigay o magbibigay sa sinumang tao maliban sa iyo, mga miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta at Mga Kasosyo ng Nagbebenta, ng anumang uri ng karapatan, benepisyo o remedyo sa ilalim ng o dahil sa Kasunduang ito. Walang tao maliban sa iyo, sa Nagbebenta at sa mga miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta ang maaaring maghain ng sanhi ng paglilitis alinsunod sa Kasunduang ito. Magkakaroon ng karapatan (ngunit hindi magkakaroon ng obligasyon) ang Nagbebenta na ipatupad ang anumang karapatan, remedyo, limitasyon at pagbubukod ng pananagutan, at legal na depensa ng anumang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta o Kasosyo ng Nagbebenta sa ilalim ng Kasunduang ito, kabilang ang anumang karapatan at remedyo para sa anumang pagkalugi, pinsala o paghahabol na matatamo o makukuha ng anumang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta o Kasosyo ng Nagbebenta: (i) na sanhi ng o kaugnay ng anumang hindi mo pagsunod sa anumang tuntunin o kundisyon ng Kasunduang ito; o (ii) kailangan mong magbayad-pinsala sa ilalim ng Kasunduang ito. Walang ganoong pagkalugi, pinsala o paghahabol ang ituturing na ibinukod bilang hindi direkta, nagreresulta o hindi sinasadyang pagkalugi o pinsala sa ilalim ng Seksyon 6.4.1 bilang resulta ng naturang pagkalugi, pinsala o paghahabol na natamo o nakuha ng iba pang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta o Kasosyo ng Nagbebenta sa halip na ng Nagbebenta.
12.11. Namamahalang Batas. Ang batas na namamahala sa Kasunduang ito at anumang Pagtutol (bilang tinukoy sa Seksyon 11) ay ang batas ng Estado ng New York, U.S., nang walang anumang pagpili sa mga prinsipyo ng batas. Ang Kasunduang ito ay hindi pamamahalaan ng Kombensiyon ukol sa Mga Kontrata ng United Nations para sa Internasyonal na Pagbibili ng Mga Produkto, ang aplikasyon noon ay hayagang ibinukod.
12.12. Koneksyon sa Internet. May ilang partikular na Solution na maaaring mangailangan ng aktibo at stable na koneksyon sa Internet upang gumana. Dahil dito, reponsibilidad mong tiyakin na mayroon kang aktibo at stable na koneksyon sa Internet sa lahat ng oras.
12.13. Mga pangalan ng produkto. Maaaring baguhin ng Nagbebenta paminsan-minsan ang pangalan ng isang Solution, o palitan ang pangalan o logo na inilapat sa Solution ng pangalan o logo ng iba pang miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta o ng isang Kasosyo ng Nagbebenta. Hindi iniiba ng mga pagbabagong ito ang iyong subscription para sa anumang Solution, ang Panahon ng Subscription o ang Kasunduang ito, at hindi ka binibigyan ng mga ito ng anumang karapatang wakasan ang iyong subscription para sa isang Solution, ang Panahon ng Subscription o ang Kasunduang ito.
Ang mga sumusunod na espesyal na tuntunin ay nalalapat sa ilang partikular na Solution. Kung sasalungat ang mga espesyal na tuntunin na ito sa natitirang bahagi ng Kasunduan, ang mga espesyal na tuntuning ito ang mangingibabaw at susundin kaugnay ng mga naaangkop na Solution.
13.1. Software ng Thitrd Party, mga Serbisyo at Iba pang Produkto. Ang ilang Solution ay nag-aalok sa iyo ng pagkakataong bumili ng software, mga serbisyo at iba pang mga produkto na mula sa mga ikatlong partido. Kinukumpirma mo na ang naaangkop na ikatlong partido ang tanging responsable para sa mga iniaalok nito at hindi nagpapahayag o naggagarantiya ang Nagbebenta hinggil sa mga iniaalok na iyon at hindi ito mananagutan kaugnay ng mga iyon, at kung bibili o gagamit ka ng alinman sa mga iniaalok na ito ng ikatlong partido, ang mga iniaalok at ang paggamit mo sa mga ito ay masasaklaw ng anumang kasunduan sa lisensya, tuntunin ng paggamit, patakaran ukol sa pagkapribado at/o iba pang tuntunin at kundisyon na iniaatas ng ikatlong partido.
13.2. Mga Lisensiya ng Tagaagbigay ng Pinamamahalaang Serbisyo. Nalalapat ang Seksyon 13.2 na ito: (i) hangga’t pinapahintulutan ka ng Mga Naaangkop na Kundisyon na gamitin ang CloudCare, Managed Workplace, Avast Business Services, CCleaner Business Edition, o iba pang mga Solution sa pagbibigay ng mga Serbisyo ng MSP sa mga ikatlong partido; at (ii) sa lahat ng lisensyang gamitin ang CCleaner Cloud for Business.
13.2.1. Tulad ng paggamit sa Seksyon 13.2 na ito:
(a) Ang ibig sabihin ng “Avast Business Service” ay mga Serbisyong HD at/o mga Serbisyong NOC gaya nang hinihingi ng konteksto.
(b) Ang ibig sabihin ng “Mamimili” ay isang third party kung saan nagbibigay ka o nais na magbigay ng mga Serbisyong MSP.
(c) Ang ibig sabihin ng “mga Serbisyong HD” ay ang mga serbisyo ng helpdesk ng Nagbebenta o ibinibigay sa iyo ng supplier ng third party para sa benepisyo ng isa o higit pang Mamimili, sa bawat kaso gaya nang inilarawan sa Dokumentasyon dahil maaaring parehong baguhin ng Nagbebenta ang mga ito nang paminsan-minsan.
(d) Ang ibig sabihin ng “mga Serbisyong MSP” ay ang pinapangasiwaang serbisyo na ibinibigay mo sa iyong mga Mamimili gamit ang mga Solution (kabilang, gaya nang naaangkop, anumang Serbisyo ng Avast Business).
(e) Ang ibig sabihin ng “mga Serbisyong NOC” ay ang pagsusubaybay sa malayuang Device at Nagbebenta ng mga serbisyo ng pangangasiwa o ibinibigay sa iyo ng supplier ng third party para sa benepisyo ng isa o higit pang Mamimili, sa bawat kaso gaya nang inilarawan sa Dokumentasyon dahil maaaring parehong baguhin ng Nagbebenta ang mga ito nang paminsan-minsan.
(f) Ang ibig sabihin ng “Kasunduan ng Serbisyo” ay isang kasunduan sa pagitan mo at ng Mamimili na, bukod sa ibang bagay, ay malinaw na inilalarawan ang mga serbisyo na inyong pinagkasunduan na ibibigay sa Mamimili.
13.2.2. Ang Nagbebenta, sa ilalim ng mga probisyon ng Kasunduang ito, ay nagbibigay sa iyo ng limitado, hindi eksklusibo, at hindi naililipat na lisensya (na walang karapatang mag-sublicense) sa Panahon ng Subscription na gamitin ang mga nauugnay na Solution (kabilang ang mga Avast Business Service, CCleaner Business Edition, o CCleaner Cloud for Business, kung naaangkop) para magbigay ng mga Serbisyo ng MSP sa iyong mga Customer.
13.2.3. Ang Nagbebenta, sa ilalim ng mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito, ay magbibigay sa iyo ng mga Solution (kabilang ang mga Avast Business Service, CCleaner Business Edition o CCleaner Cloud for Business, kung naaangkop) para sa ikabubuti ng iyong mga Customer.
13.2.4. Ikaw, alinsunod sa mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito, ay:
(a) Mag-aatas na: (i) ipatupad ng bawat Customer (kabilang ka, kung naaangkop) na nakakatanggap ng Solution ang, o kaya ay magpailalim sila sa, kasalukuyang bersyon ng Kasunduang ito; at (ii) ipatupad ng bawat Customer na sinang-ayunan mong bigyan ng mga Solution ang, o kaya ay magpailalim sila sa, isang Kasunduan sa Serbisyo. Maaari mong tanggapin, nang hindi nalilimitahan ang nabanggit, ang Kasunduan sa Lisensya ng End User ng Nagbebenta sa ngalan ng Customer kung hayagan ka lang na pinahintulutan ng Customer na gawin ito sa Kasunduan sa Serbisyo o iba pa. Ang Kasunduan sa Serbisyo ay: (i) maglalaman ng mga probisyong nagbibigay ng proteksyon sa mga interes ng Pangkat ng Nagbebenta sa antas man lang na ibinibigay sa Kasunduang ito; at (ii) hayagan kang pinahihintulutan at ang Pangkat ng Nagbebenta na gawan ng kopya, i-transmit, i-store at iproseso ang data at impormasyon ng Customer kaugnay ng pagpapatakbo at paggana ng anumang Solution.
(b) Sa pagitan mo at ng Nagbebenta, ang tanging responsable sa: (i) pagtupad sa iyong mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduan sa Serbisyo; (ii) pagtitiyak na sumusunod ka at ang lahat ng Customer sa lahat ng naaangkop na batas ukol sa pagsubaybay sa mga empleyado at iba pang ikatlong partido at sa kani-kanilang Device; (iii) pagsasagawa sa mga gawain at obligasyong itinakda sa iyo at sa mga Customer ng Kasunduan, Mga Naaangkop na Kundisyon at Dokumentasyon; at (iv) sa pag-expire o pagwawakas sa naaangkop na Kasunduan sa Serbisyo, pagwawakas sa pagbibigay ng anumang Solution at pag-aalis o pagpapaalis o pagpapa-deactivate sa Customer ng anumang Solution sa anumang Device kung saan ito ginagamit.
13.3. Paglilinis ng Browser. Kapag ginamit mo ang add-on na Paglilinis ng Browser (Browser Clean Up, “BCU”), pinapahintulutan mo ang BCU na baguhin ang iyong umiiral na setting ng browser para sa bagong setting ng browser.
13.4. WiFi Finder. Binibigyang-daan ng WiFi Finder ang mga user nito na tulungan ang iba pang user na magkaroon ng access sa internet sa pamamagitan ng pagbabahagi ng data tungkol sa mga WiFi network. Kung pipiliin mong magbahagi ng data tungkol sa mga WiFi network sa iba pang mga user, ikaw ang tanging responsable sa pagtitiyak na hindi ka lumalabag sa anumang karapatan ng ikatlong partido kaugnay ng mga naturang WiFi network o anumang data na ibabahagi mo. Hindi tatanggap ang mga miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta ng anumang responsibilidad o pananagutan para sa iyong pagsunod sa mga tuntunin at kundisyon na naaangkop sa paggamit ng anumang WiFi network o anumang data na ibabahagi mo.
13.5. Avast Family Space (ibinebenta rin bilang Star Guard Family, Vodafone Family Protect at WINDTRE Family Protect).
13.5.1. Ang Avast Family Space, ibinebenta rin bilang Star Guard Family, Vodafone Family Protect at WINDTRE Family Protect (“Family Space”) ay ginawa para sa personal at hindi pangkomersyal na paggamit ng mga magulang para protektahan ang kanilang mga anak, ng mga legal na tagapag-alaga para protektahan ang kanilang mga alaga, o ng mga nasa hustong gulang para protektahan ang iba pang nasa hustong gulang kung mula kanino sila nakatanggap ng ganap na may kabatirang pahintulot. Hindi mo dapat gamitin ang Family Space maliban sa layunin kung bakit ito ginawa, at walang responsibilidad o pananagutan ang mga miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta para sa anumang hindi awtorisado o ilegal na paggamit.
13.5.2. Sa pamamagitan ng paggamit ng Family Space, ipinapahayag at ginagarantiya mo na: (i) ikaw ay 18 taong gulang pataas; at (ii) mayroon kang awtoridad na, at sa pamamagitan nito ay pinapahintulutan mo na, kolektahin ang data para sa sinumang tao na isasama mo sa iyong Family Space account, kabilang ang sinumang taong wala pang 13 taong gulang. Kinukumpirma mo na ang mga miyembro ng Pangkat ng Nagbebenta ay mangongolekta, gagamit at maglalahad ng heograpikong lokasyon at iba pang impormasyong kinakailangan upang mabigyang-daan ang pagpapatakbo at paghahatid sa mga feature ng Family Space.
13.5.3. Kinukumpirma mo na: (i) ang mga resultang maaari mong makuha sa Family Space, kabilang ang data at mensahe, ay maaaring hindi tumpak, napapanahon o maaasahan; (ii) ang ilang content na itinuturing mong hindi kaaya-aya o gusto mong ma-block ay maaaring hindi palaging ma-block ng Avast Family Shield; (iii) ang Family Space ay maaaring paminsan-minsang mag-block ng content na maaaring itinuturing mong katanggap-tanggap; at (iv) dahil maaaring magbago nang walang abiso ang content ng ikatlong partido, hindi magagarantiya ng Nagbebenta na palaging makakasabay sa content ng ikatlong partido ang mga kategorya at filter nito ng content. Kung naniniwala kang hindi tamang inuuri ng Family Space ang isang site o serbisyo, mangyaring kontakin ang Nagbebenta sa pamamagitan ng e‑mail sa familyspacehelp@avast.com.
13.6. Mga Mobile App. Ang Seksyon 13.6 na ito ay nalalapat sa anumang Solution na ginawa para sa paggamit sa mga Mobile Device.
13.6.1. Para sa anumang Solution na nai-download mula sa Google Play (http://play.google.com), ang lisensyang ipinagkakaloob ng Kasunduan na ito ay kapalit ng anumang karapatan para gumamit ng Solution na kung hindi ay ipagkakaloob ng default na mga tuntunin para sa mga application na na-download mula sa Google Play Store.
13.6.2. Para sa anumang Solution na ida-download sa Apple App Store, nalalapat ang mga sumusunod na tuntunin:
(a) Ang mga lisensyang ipinagkakaloob ng Kasunduan na ito ay limitado sa isang hindi naisasaling lisensya para gamitin ang Solution sa anumang iPhone, iPod Touch o iba pang Apple-powered na Device na pagmamay-ari mo o kinokontrol at kasing pinapahintulutan ng mga Tuntunin sa Paggamit na ipinahayag sa mga Tuntunin ng Serbisyo ng Apple App Stores, nakalaan nang online sa http://www.apple.com/legal/internet-services/itunes/us/terms.html o sa pamamagitan ng naturang mga site at iba pang paraang ginawang available sa iyo ng Apple.
(b) Ang Kasunduang ito ay pagtitibayin lang sa pagitan ng mga partido, at hindi kasama ang Apple. Ang Nagbebenta, hindi ang Apple, ang tanging responsable para sa Solution at sa content ng naturang Solution.
(c) Walang anumang obligasyon ang Apple na dagdagan ang anumang serbisyo sa pagpapanatili at suporta kaugnay ng Solution.
(d) Kung hindi susunod ang Solution sa anumang naaangkop na warranty, maaari mong abisuhan ang Apple, at ire-refund sa iyo ng Apple ang presyo ng pagbili sa Solution. Hangga’t pinahihintulutan ng naaangkop na batas, hindi magkakaroon ang Apple ng iba pang obligasyon sa warranty kaugnay ng Solution, at sa pagitan mo, ng Nagbebenta at ng Apple, ang anumang iba pang paghahabol, pagkalugi, pananagutan, pinsala o gastos na maiuugnay sa anumang hindi pagsunod sa anumang warranty ay pananagutan lang ng Nagbebenta.
(e) Ang Nagbebenta, hindi ang Apple, ang responsable sa pagtugon sa anumang paghahabol mo o ng anumang ikatlong partido kaugnay ng Solution o pagkakaroon at/o paggamit mo ng Solution na iyon, kabilang ang: (i) mga paghahabol sa pananagutan para sa produkto; (ii) anumang paghahabol na hindi sumunod ang Solution sa anumang naaangkop na kinakailangan ayon sa batas o regulasyon; at (iii) mga paghahabol sa ilalim ng proteksyon sa consumer o katulad na batas.
(f) Kung sakaling magkaroon ng anumang paghahabol ng ikatlong partido na lumalabag ang Solution o ang pagkakaroon at paggamit mo ng Solution na iyon sa mga karapatan sa intelektwal na ari-arian ng ikatlong partido na iyon, ang Nagbebenta, hindi ang Apple, ang tanging responsable sa pag-iimbestiga, pagdepensa, pag-aareglo at pagpapawalang-bisa sa anumang ganoong paghahabol sa paglabag sa intelektwal na ari-arian.
(g) Dapat kang sumunod sa anumang naaangkop na tuntunin ng ikatlong partido kapag ginagamit ang Solution. Halimbawa, para sa isang VOIP Solution, hindi ka dapat lumabag sa iyong kasunduan sa serbisyo ng wireless data kapag ginagamit ang Solution.
(h) Ang Apple at ang mga subsidiary ng Apple ay mga ikatlong partidong benepisyaryo ng Kasunduang ito at, sa pagtanggap mo sa mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito, magkakaroon ang Apple ng karapatan (at ituturing na tinanggap nito ang karapatan) na ipatupad ang Kasunduang ito laban sa iyo bilang isang ikatlong partidong benepisyaryo.
13.6.3. Para sa Mga Solution na nai-download mula sa Amazon Appstore, ang Amazon ay maaaring magtalaga ng mga takda ukol sa paggamit ng mamimili para sa Amazon Appstore bilang “Mga Default na Tuntunin ng EULA. Ang Mga Default na Tuntunin ng EULA na iyon ay malalapat sa paggamit mo ng mga Solution na bibilhin mo sa pamamagitan ng Amazon Appstore. Tutukuyin ng Mga Default na Tuntunin ng EULA, bukod sa iba pang bagay, na ang Nagbebenta ang tagalisensya ng Solution at hindi partido sa Kasunduang ito ang Amazon. Kung may anumang salungatan sa pagitan ng Mga Default na Tuntunin ng EULA at ng Kasunduang ito, ang Mga Default na Tuntunin ng EULA ang mangingibabaw at susundin para sa anumang ganoong salungatan. Ang Amazon ay walang anumang responsibilidad o pananagutan kaugnay ng pagsunod o hindi pagsunod mo o ng Nagbebenta sa Mga Default na Tuntunin ng EULA.
13.7. Technician Edition. Ang Seksyon 13.7 na ito ay nalalapat kung binili mo ang Technician Edition ng isang Solution. Maaari mong pahintulutan ang bilang ng mga technician na tinutukoy ng Mga Naaangkop na Kundisyon para gamitin ang Solution para magsagawa ng mga serbisyo sa pag-optimize at pag-aayos sa mga Device na pagmamay-ari mo (kung bumili ka ng enterprise subscription) o ng mga third party (kung bumili ka ng breakfix subscription). Maaaring i-install ng bawat technician ang Solution sa isang Device lang anumang oras, at dapat nilang alisin ang Solution sa Device bago ibalik ang kontrol ng Device sa user.
13.8. Plan ng Assurance. Ang Seksyon 13.8 na ito ay nalalapat sa mga Assurance Plan.
13.8.1. Ang “Assurance Plan” ay isang serbisyo ng technician ng Nagbebenta (isang “Associate”), bilang kapalit ng isang hiwalay na subscription fee, ay tutulong sa iyong alisin ang mga virus o iba pang Malicious Code na nakakaapekto sa iyong pinoprotektahang Device sa Panahon ng Subscription. Ang Mga Planong Pangkasiguruhan ay ibinibentang kasama ng mga tiyak na Mga Solution na antivirus o iba pang Security Solution ng Nagbebenta (bawa’t isa ay “Security Solution”), at sinusuplementuhan ang mga proteksiyong iniaalok ng Security Solution.
13.8.2. Kung hihiling ka ng tulong ng Nagbebenta sa ilalim ng Assurance Plan, at kung kwalipikado ka at ang iyong Device para sa tulong sa ilalim ng Seksyon 13.8.3, gagawin ng Nagbebenta ang lahat ng makakaya nito upang tulungan kang alisin ang mga virus o iba pang Malicious Code na nakakaapekto sa iyong Device. Iyong kinikilala, kinukumpirma, tinatanggap at sinasang-ayunan mo na maaaring hindi sapat ang mga gagawin ng Nagbebenta upang maalis ang ilang partikular na virus o iba pang Malicious Code sa iyong Device, at na maaaring mabago, ma-delete o masira ng Nagbebenta, sa pagbibigay sa serbisyo, ang data sa iyong Device, maaari nitong baguhin ang mga setting ng Device, o kaya ay maaari itong makasagabal sa maayos na paggana ng iyong Device.
13.8.3. Sinasaklaw ng Assurance Plan ang: (i) Device lang kung para saan mo binili ang kaugnay na Security Solution, at hindi ito maaaring ilipat sa iba pang Device; at (ii) mga virus at iba pang Malicious Code lang na makaka-infect sa Device sa Panahon ng Subscription, pagkatapos mong i-download at i-install sa Device ang Security Solution, at habang tumatakbo ang Security Solution nang may mga bagong depinisyon ng Malicious Code. Maaaring wakasan ng Nagbebenta ang Assurance Plan nang walang abiso kung matukoy nito, sa sariling pagpapasya nito para sa negosyo, na humiling o tumanggap ka ng serbisyo sa ilalim ng Assurance Plan para sa isang Device na hindi saklaw ng Assurance Plan, inilipat o tinangka mong ilipat ang Assurance Plan sa ibang tao o entity, o lumabag ka sa iba pang paraan sa mga tuntunin ng Assurance Plan.
13.8.4. Ang Nagbebenta, sa pagbibigay ng tulong sa ilalim ng Assurance Plan, ay maaaring mangailangan ng malayuang pag-access sa iyong Device, at/o maaari nitong hilingan sa iyo na i-install ang Assistance Software, na kapag ginawa mo ay mangangahulugang kinukumpirma at tinatanggap mo na malalapat ang Seksyon 13.10 na iyon. Kung hindi ka makakapagbigay o hindi ka magbibigay ng malayuang pag-access sa iyong Device at/o hindi ka makakapag-download o hindi mo ida-download at ii-install ang Assistance Software sa Device o susundin ang iba pang mga tagubilin ng Nagbebenta o ng Associate, o kung pagpapasyahan ng Nagbebenta na ang iyong Device ay hindi kwalipikado para sa suporta sa ilalim ng Assurance Plan, hindi magbibigay ng serbisyo ang Nagbebenta sa ilalim ng Assurance Plan. Maaari kang ipadala ng Nagbebenta (ngunit hindi ito inaatasan na gawin iyon) sa isang serbisyo kung saan magbibigay ng tulong ang Nagbebenta o subcontractor nito kapalit ng bayad.
13.9. Premium Technical Support. Ang Seksyon 13.9 na ito ay naglalapat sa Avast Total Care, AVG Premium Tech Support at iba pang serbisyo ng suportang teknikal (bawat isang, “Premium Technical Support”) na ibinebenta ng Nagbebenta nang magkahiwalay sa mga software Solution nito, at sa pamamagitan kung saan ang Nagbebenta ay maaari kang tulungang mag-install, magkumpigura o mag-troubleshoot ng alinman sa isang sari-saring produkto ng software at/o kagmitan o mga sistema, kabilang ang PC, Mac, tablet, mobile phone o anupamang personal na pang-compute na device, wireless na router, cable modem o iba pang router, printer, digital camera, media player, Smart TV at DVD/Blu-Ray player.
13.9.1. Gagawin ng Associate, sa pagbibigay ng Premium Technical Support, ang lahat ng makakaya nito upang matulungan ka sa mga problemang nararanasan mo ngunit dahil sa iba’t ibang uri at pagiging kumplikado ng mga teknolohiyang kasalukuyang available, maaaring hindi maresolba ng Associate ang mga problema mo. Maaaring kasama rito, halimbawa, ang mga problemang resulta ng mga error sa software o hardware na hindi pa nareresolba ng manufacturer, o mga problemang nauugnay sa kumpigurasyon ng kagamitan na dahilan upang maging imposible o napakahirap para sa Associate na ma-diagnose nang maayos at malutas ang isyu. Bilang resulta, kinukumpirma at tinatanggap mo na maaaring hindi maging sapat ang mga pagsisikap ng Nagbebenta upang malutas ang mga isyung matutukoy mo, o upang malutas sa oras ang mga isyung iyon.
13.9.2. Ang Associate, sa pagbibigay ng Premium Technical Support, ay maaaring mangailangan ng malayuang pag-access sa iyong Device, at/o maaari nitong iatas na i-install mo ang Assistance Software, a kapag ginawa mo ay mangangahulugang kinukumpirma at tinatanggap mo na malalapat ang Seksyon 13.10 na iyon. Kung hindi ka makakapagbigay o hindi ka magbibigay ng malayuang pag-access sa iyong Device at/o hindi ka makakapag-download o hindi mo ida-download at ii-install ang Assistance Software sa Device o susundin ang iba pang mga tagubilin ng Nagbebenta o ng Associate, o kung pagpapasyahan ng Nagbebenta na ang iyong Device ay hindi kwalipikado para sa suporta sa ilalim ng subscription sa Premium Technical Support, hindi magbibigay ng Premium Technical Support ang Nagbebenta.
13.10. Malayuang Pag-access; Assistance Software
13.10.1. Malayuang Pag-Access. Ang Nagbebenta o ang isang Associate, kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Assurance Plan, bilang bahagi ng Premium Technical Support o kaugnay ng iba pang mga serbisyo, ay maaaring mangailangang kumonekta sa, at kontrolin ang, iyong kagamitan nang malayuan upang lutasin ang mga problemang nararanasan mo. Kaugnay ng session ng malayuang pagkonekta na ito:
(a) Maaaring kailanganin ng Associate na magpatakbo ng iba’t ibang script sa iyong kagamitan, gumawa ng mga pagbabago sa kumpigurasyon nito, mag-install at mag-uninstall ng software, at gumawa ng iba pang mga pagbabago sa kagamitan at/o mga setting ng software ng naturang kagamitan na maaaring kailanganin upang matugunan ang iyong mga problema. Nauunawaan mo na ang Associate ay maaari, ngunit hindi obligado, na mag-install at mag-alis ng iba’t ibang software tool na pinagmamay-arian o mula sa ikatlong partido kung saan itinuturing ng Associate na kailangan ito upang matulungan ka sa mga problemang nararanasan mo. Ang mga elemento ng mga naturang software ay pinoprotektahan ng batas, kasama ang copyright.
(b) Kinukumpirma at tinatanggap mo na, sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Associate na gumawa ng isang session ng malayuang pagkonekta, binibigyan mo ang Nagbebenta (at ang mga kasosyo at contractor nito na kumikilos sa ngalan ng Nagbebenta) ng kumpleto o limitadong access sa iyong kagamitan, software at network (depende sa kumpigurasyon ng iyong kagamitan, software at network), at pinapahintulutan mo ang Nagbebenta na gumawa ng mga gayong pagbabago gaya ng inilalarawan sa itaas o gaya ng ipinapayo sa ibang paraan ng Associate sa paghahatid ng Solution. Kinukumpirma at tinatanggap mo na ang Associate, o ikaw na kumikilos sa atas ng Associate, ay maaaring magbago, mag-delete o sumira ng software o data sa iyong kagamitan, baguhin ang kagamitan, mga setting ng software o network, o kung hindi naman ay makialam sa wastong pagpapatakbo ng iyong kagamitan, software o network.
(c) Kinukumpirma at tinatanggap mo na maaaring magkaroon ng access ang Associate sa anumang impormasyong naka-store sa Device mo. Ang mga Associate ay sinanay na hindi mag-access ng impormasyong higit sa kinakailangan upang lutasin ang mga problema kung para saan mo hinihiling ang suporta ng Associate. Sa kabila nito, dapat kang manatiling nakatutok sa screen ng iyong Device upang obserbahan ang mga pagkilos ng Associate habang inihahatid niya ang Solution sa iyong Device. Magkakaroon ka ng pagkakataong wakasan ang session ng live na suporta anumang oras sa pamamagitan ng pagpapayo sa Associate o pagdiskonekta sa session ng malayuang pagkonekta.
13.10.2. Assistance Software.
(a) Ang Nagbebenta o isang Kasama, bilang isang kundisyon sa pagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Assurance Plan, Premium Technical Support o iba pag serbisyo, ay maaari kang tagubilinan na mag-download at mag-install sa Device ng program ng software (ang “Assistance Software”) na pinapahintulutan ang Kasama na makapagtamo ng malayuang pag-access sa iyong Device, kumalap ng impormasyon tungkol sa Device at mga operasyon nito, suriin at kumpunihin ang problema, at baguhin ang mga setting ng Device. Maaaring kailanganin mong sundin ang iba pang mga tagubiling ibibigay ng Nagbebenta o ng Associate.
(b) Kung ikaw o ang isang Associate ay mag-i-install ng Assistance Software sa isang Device, ang Assistance Software ay:
(i) Maaaring kailanganin na i-activate mo ito sa iyong Device. Kung hindi mo kukumpletuhin ang proseso ng pag-activate sa loob ng yugto ng panahon na hihilingin ng Associate o na ipa-prompt ng Assistance Software, maaaring tumigil sa paggana ang Assistance Software hanggang sa makumpleto ang pag-activate.
(ii) Maaaring makipag-ugnayan sa mga server ng Nagbebenta (o ng kasosyo o contractor nito) nang regular upang: (i) tiyakin na natatanggap mo ang lahat ng serbisyo at software na karapat-dapat mong matanggap bilang bahagi ng iyong Solution; (ii) bigyan ka ng kakayahang maagap na makapagsimula ng session ng chat sa isang Associate bilang bahagi ng iyong Solution; o (iii) bigyan ka ng access sa ilang partikular na self-service na tool bilang bahagi ng iyong Solution.
(iii) Maaaring tumakbo palagi sa iyong Device bilang default at magsagawa ng iba’t ibang gawain sa background na makakatulong na panatilihin ang iyong Device sa kundisyong gumagana. Kapag tumatakbo, maaari itong mangolekta ng iba’t ibang data hinggil sa iyong Device, kasama ang mga teknikal na ispesipikasyon nito, impormasyon hinggil sa operating system nito, software na na-download at/o na-install, pag-update at pag-upgrade, kahandaan at status ng iyong security software , backup at firewall, iba’t ibang walang katulad na identifier, mensahe ng error sa system at software, status ng mga koneksyon sa network, nakakonektang peripheral at iba pang nakakonektang device, at katulad na gayong impormasyon at data. Nakakatulong ang impormasyong ito sa Nagbebenta na mapigilan ang maraming karaniwang problema na maaaring nararanasan mo, pati na rin matukoy nang mabilis ang mga problema kung para saan mo hinihiling ang suporta ng Nagbebenta.
13.11. Avast Driver Updater
13.11.1. Ang Avast Driver Updater ay ginawa para gamitin sa isang Device na isang aktwal na computer, at hindi isang “virtual machine” kung saan ginagaya ng nakabahaging computing resource ang mga function ng ilang nakalaang aktwal na computer. Hindi magiging ganoon kaepektibo ang Avast Driver Updater kapag ginamit sa isang virtual machine kumpara sa isang aktwal na computer.
13.11.2. Ang Avast Driver Updater ay umaasa sa data na mula sa manufacturer na nasa mga device driver installation file, kabilang ang mga petsa ng release, upang makapagbigay ng impormasyong ipinapakita ng Solution sa mga resulta ng pag-scan. HINDI GINAGARANTIYA O IPINAPAHAYAG NG MGA MIYEMBRO NG PANGKAT NG NAGBEBENTA AT NG MGA KASOSYO NG NAGBEBENTA NA ANG ANUMANG DEVICE DRIVER NA IBIBIGAY NG SOLUTION AY ANG PINAKABAGONG BERSYON, O ANUMANG PARTIKULAR NA BERSYON, NG NATURANG DEVICE DRIVER SA KABILA NG ANUMANG IBA O SUMASALUNGAT NA IMPORMASYON MULA SA SOLUTION.
13.12. Ligtas na Web Gateway ng Avast at Ligtas na Internet Gateway ng Avast
13.12.1. Tulad ng paggamit sa Seksyon 13.12 na ito:
(a) Tumutukoy ang “Pinagsama-samang Data” sa data na: (i) ginawang hindi makikilala, at hindi tutukoy sa pagkakakilanlan ng sinumang tao o anumang entity; (ii) isinama sa data ng iba pang user ng Avast Secure Gateway, at/o mga karagdagang data source; at (iii) ipinapakita sa paraan kung saan hindi makikilala ang mga indibidwal na user ng Avast Secure Gateway.
(b) Ang kahulugan ng “Avast Secure Gateway” ay ang Ligtas na Web Gateway ng Avast o Ligtas na Internet Gateway ng Avast;
(c) Ang kahulugan ng “DNS na Transaksyon” ay isang umuulit na query sa DNS na ipinapadala mo sa pamamagitan ng paggamit mo ng Ligtas na Web Gateway ng Avast.
(d) Ang kahulugan ng “Seat” ay isang subscription para sa isang indibidwal na ina-access ang Internet na kaugnay sa Avast Secure Gateway na higit pang inilalarawan sa Seksyon 13.12.5. Maaari lang ilipat ang Seat mula sa isang naturang indibidwal sa isa pang naturang indibidwal kung hindi na pinahihintulutan ang orihinal na indibidwal na i-access ang Internet kaugnay ng Avast Secure Gateway at kung hindi niya ito ina-access.
(e) Ang kahulugan ng “Transaksyon” ay isang kahilingan sa HTTP o HTTPS na ipinapadala sa iyo o ipinapadala mo sa pamamagitan ng iyong paggamit sa Avast Secure Internet Gateway.
13.12.2. Hindi mo dapat gawin ang mga sumusunod gamit ang anumang Device na pinoprotektahan ng Avast Secure Gateway: (i) magpadala ng spam o kaya ay paulit-ulit o hindi kanais-nais na mensahe na lumalabag sa anumang naaangkop na batas; (ii) magpadala ng lumalabag, malaswa, nagbabanta, libeloso, o ilegal na materyal; (iii) mag-access ng mga na-block na serbisyo na lumalabag sa anumang naaangkop na batas; o (iv) magpatakbo ng mga automated na query sa mga Internet URL.
13.12.3. Tinatanggap at kinukumpirma mo na: (i) upang maibigay ng Nagbebenta ang Avast Secure Gateway, dapat mong ipasa ang iyong trapiko sa Internet sa Nagbebenta sa pamamagitan ng mga wastong mekanismo sa pagpapasa na nagbibigay-daan sa awtomatikong fail-over (ibig sabihin ay DNS, PAC, IPSEC at GRE tunnel o isang naaangkop na Solution ng Nagbebenta); (ii) responsibilidad mong bigyan ang Nagbebenta ng anumang teknikal na data at iba pang impormasyon na maaaring makatuwirang hilingin ng Nagbebenta paminsan-minsan; (iii) maaaring gamitin ng Grupo ng Nagbebenta at mga Nagbebenta na Partner ang impormasyon ng Malicious Code (bilang tinukoy sa Seksyon 13.16.1 (b)), spam, botnet, o iba pang impormasyon na hango sa paggamit mo sa Avast Secure Gateway para sa mga layunin ng: (1) pagpapanatili, pagpapahusay at/o pagsusuri sa Avast Secure Gateways; (2) pagsunod sa anumang kinakailangan ayon sa batas o kontrata; o (3) pagsasaayos sa anumang nakakahamak o hindi kanais-nais na content upang maging available sa anonymous na paraan sa mga Nagbebenta na Partner para sa higit na pag-develop at pagpapahusay sa Avast Secure Gateways; at (iv) maaaring mag-develop at gamitin sa komersyo ng Grupo ng Nagbebenta at mga Nagbebenta na Partner ang mga benchmark at mga sukatan batay sa Pinagsama-samang Data.
13.12.4. Nakalaan sa Grupo ng Nagbebenta at mga Nagbebenta na Partner ang karapatang maagap na pamahalaan ang bandwidth o trapiko ng ruta sa Internet, sa kundisyong hindi makokompromiso ng mga naturang pagkilos ang mga obligasyon ng Nagbebenta kaugnay ng Avast Secure Gateways. Maaaring suspindihin ng Nagbebenta o ng Nagbebenta na Partner (kung naaangkop) ang iyong pag-access o pag-download sa Avast Secure Gateways kung sakaling ang paggamit mo sa mga Solution na ito ay nagpapakita ng napipintong banta sa anumang network ng Grupo ng Nagbebenta o ng Nagbebenta na Partner, o kung kinakailangan ito upang sumunod sa mga naaangkop na batas. Sa mga ganoong sitwasyon, ang gagawin ng Nagbebenta o Kasosyo ng Nagbebenta (kung naaangkop) ay: (i) suspindihin ang Avast Secure Gateways hangga’t kinakailangan lang upang maiwasan ang anumang pinsala sa anumang network ng Grupo ng Nagbebenta o mga Nagbebenta na Partner (halimbawa, pag-block ng mga mapaminsalang pinagmumulang IP address) at upang sumunod sa mga naaangkop na batas; (ii) gumawa ng mga makatuwirang hakbang upang maagap na makipag-ugnayan sa iyo at bigyan ka ng oportunidad na maagap at naaayon na baguhin ang configuration ng iyong (mga) server at/o makipagtulungan sa iyo upang maagap na maresolba ang mga isyung sanhi ng pagsususpinde sa Avast Secure Gateways; at (iii) ibalik ang anumang naturang nasuspindeng Avast Secure Gateways kapag naresolba na ang lahat ng nasabing isyu sa paraang kasiya-siya para sa Nagbebenta o Nagbebenta na Partner (kung naaangkop).
13.12.5. Para sa mga layunin ng pagtukoy kung nakabili ka ng sapat na mga Seat, ituturing na isang “Seat” ng Ligtas na Internet Gateway ng Avast ang bawat 2,000 Transaksyon kada araw sa kalendaryo na dumaraan sa Ligtas na Internet Gateway ng Avast, at ituturing na isang Ligtas na Web Gateway ng Avast“. ang bawat 2,000 Transaksyon sa DNS kada araw sa kalendaryo na dumaraan sa Avast Secure Web Gateway. Tinatanggap at kinukumpirma mo na ang bilang ng mga Seat na kinakailangan mong bilhin para sa paggamit mo sa: (i) Kakalkulahin ang Avast Secure Internet Gateway sa pamamagitan ng paghahati sa kabuuang bilang ng mga Transaksyong dumaraan sa Avast Secure Internet Gateway kada araw sa kalendaryo, sa 2,000; at (ii) kakalkulahin ang Avast Secure Web Gateway sa pamamagitan ng paghahati sa kabuuang bilang ng mga Transaksyon sa DNS na dumaraan sa Avast Secure Web Gateway kada araw sa kalendaryo, sa 2,000.
13.12.6. Kahit na hindi ka maaaring singilin ng Nagbebenta nang hiwalay para sa bandwidth na may kaugnayan sa iyong paggamit ng Avast Secure Gateway, ang Nagbebenta at ang kaugnay na Kasosyo ng Nagbebenta ay nagkaroon ng malalaking gastos sa bandwidth sa pagbibigay ng Avast Secure Gateway sa iyo. Alinsunod dito, ang isang malaking pagtaas sa iyong paggamit ng bandwidth na may kaugnayan sa iyong paggamit ng Avast Secure Gateway ay makakaapekto nang malaki at makakagambala sa mga pagpapatakbo ng negosyo ng Nagbebenta at ng Kasosyo ng Nagbebenta. Kinikilala mo at sinasang-ayunan na, sa mga sitwasyon kung saan ang iyong pagkonsumo ng bandwidth na may kaugnayan sa iyong paggamit ng Avast Secure Gateway ay higit na lumampas sa bilang ng mga Transaksyon ng DNS, o Mga Transaksyong DNS sa bawat Upuan, na tinukoy ng Naaangkop na mga Kundisyon, maaari kang abisuhan ng Nagbebenta o ng Kasosyo ng Nagbebenta, kung saan ay dapat kang makipag-ayos sa mabuting pananampalataya sa Nagbebenta: (i) sa isang planong pagbabawas ng bandwidth; at/o (ii) upang dagdagan ang pagpepresyo para sa Avast Secure Gateway para sa natitira sa Tuntunin ng Subscription. Kung hindi magawang maabot ang isang pasya na kapwa ninyo mapagkakasunduan sa Nagbebenta sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng abiso ng Nagbebenta o Kasosyo ng Nagbebenta (kung naaangkop), kung gayon sa abiso ng tatlumpung (30) araw, maaaring wakasan ng Nagbebenta ang natitirang bahagi ng iyong Tuntunin ng Subscription para sa Avast Secure Gateway at i-refund sa iyo ang anumang bahagi ng mga bayad sa subscription na iyong naunang binayaran para sa hindi nagamit na bahagi ng Tuntunin ng Subscription.
13.12.7. Kinukumpirma mo at sumasang-ayon ka na maaaring gamitin, gawan ng maraming kopya, iimbak, baguhin, at ipakita ng Grupo ng Nagbebenta at mga Kasosyo ng Nagbebenta ang impormasyon mula sa iyong mga log ng transaksyon (ibig sabihin ay ang metadata ng lahat ng trapiko ng network na ipinadala mo o natanggap mula sa iyo sa pamamagitan ng iyong paggamit sa isang Avast Secure Gateway) (ang “Mga Log ng Transaksyon”). Pananatilihin ng Grupo ng Nagbebenta o ng mga Kasosyo ng Nagbebenta ang mga Log ng Transaksyon sa loob ng 6 na buwan sa Panahon ng Subscription. Sa pagwawakas o pag-expire ng Panahon ng Subscription, ide-delete ang mga Log ng Transaksyon ng Grupo ng Nagbebenta at mga Nagbebenta na Partner alinsunod sa karaniwang cycle ng pagpapanatili ng Grupo ng Nagbebenta at mga Nagbebenta na Partner, o maaaring i-delete ang mga ito nang mas maaga kung hihilingin mo sa pamamagitan ng pagsulat.
13.13. Tinukoy na mga HMA Solution
13.13.1. Virtual Private Network. Maliban kung may ibang nakasaad sa Mga Naaangkop na Kundisyon, ang iyong subscription sa produkto na HMA! Virtual Private Network (ang “HMA VPN”) ay nagbibigay ng kakayahan sa iyo na gumawa nang hindi hihigit sa 5 sabay-sabay na koneksyon kaugnay ng bawat subscription sa HMA VPN. Sa kabila ng anumang nakasaad sa Kasunduang ito na sumasalungat, kung lalampas ka sa bilang ng sabay-sabay na koneksyon na pinahihintulutan para sa iyong subscription sa HMA VPN, maaaring suspindihin o i-disable ng Nagbebenta anumang oras nang walang paunang abiso sa iyo ang iyong pag-access at/o paggamit sa HMA VPN. Kung gusto mong dagdagan ang pinahihintulutang bilang ng sabay-sabay na koneksyon para sa iyong subscription sa HMA VPN, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa sales@hidemyass.com.
13.13.2. Web Proxy. Ang serbisyo ng web proxy ng HMA (“Web Proxy”) ay isang libreng Solution na hindi humihiling sa iyo na irehistro ang iyong mga detalye sa Nagbebenta. Tinatanggap at kinukumpirma mo na ikaw ang tanging responsable para sa, at walang tinatanggap na pananagutan ang Pangkat ng Nagbebenta at mga Kasosyo ng Nagbebenta sa iyo o sa anumang ikatlong partido para sa: (a) iyong pag-access, pagtingin o paggamit sa, o mga content ng (kabilang ang anumang nakakasakit o hindi kaaya-ayang content), anumang ikatlong partido na website na ina-access o tinitingnan habang ginagamit ang Web Proxy; (b) iyong pagsunod sa mga tuntunin ukol sa paggamit na naaangkop sa anumang ikatlong partido na website na ina-access, binibisita o ginagamit mo habang ginagamit ang Web Proxy; at (c) anumang magiging habol, pagkalugi o pinsala dahil sa anumang content na gagawin, gagawing available, ita-transmit o ipapakita mo habang ginagamit ang Web Proxy, kabilang ang anumang habol, pagkalugi o pinsala na mararanasan o matatamo ng Pangkat ng Nagbebenta o mga Kasosyo ng Nagbebenta.
13.14. Mga Virtual Private Network. Ipinagbabawal o pinaghihigpitan ng ilang bansa ang paggamit ng mga virtual private network (“VPN”), at nagpatupad ang ilang bansa ng mga teknolohikal na hakbang para mapigilan ang paggana ng mga VPN. Dahil dito, napapailalim ang mga VPN Solution ng Nagbebenta (kabilang ang HMA VPN) sa mga paghihigpit ayon sa teritoryo na maaaring magbago paminsan-minsan. Makahahanap ng karagdagang impormasyon dito.
13.15. Appliance. Maaaring maglaan sa iyo ang Nagbebenta ng dongle o ibang appliance (ang “Appliance”) bilang bahagi ng iyong Solution, na kung saan ang karagdagang probisyon na itinakda sa Seksyon 13.15 na ito ay ipatutupad:
13.15.1. Ang limitadong panahon ng warranty na binuo ng Seksyon 6.1 ay pinalawig para sa Appliance ng hanggang 1 taon mula sa petsa ng pagbili (ang “Appliance Warranty Period”).
13.15.2. Kailangan mong agarang ipaalam sa Nagbebenta kung ang Appliance ay o naging depektibo. Kung iyong ipapaalam sa Nagbebenta ang sira sa Panahon ng Appliance Warranty at hindi naaayos ng Nagbebenta ang sira nang malayuan, ang Nagbebenta sa kanyang sariling kusa at gastusin sa loob ng 5 araw ng pagnenegosyo ay: (a) papalitan ang Appliance ng bago o inayos na unit ng Appliance, sa oras na ito ang warranty na ibinigay sa Seksyon 6.1 ay ipapairal para sa natitirang Panahon ng Appliance Warranty na angkop para sa orihinal na unit ng Appliance; o (b) wakasan ang iyong subscription at i-refund ang anumang hindi nagamit na bayarin sa subscription na iyong paunang naibayad. Kung ang Appliance masira matapos ang Panahon ng Appliance Warranty, o kung ito ay nasira dahil sa maling paggamit, pag-tamper, pag-interfere, pag-abuso, di-inaasahang pagkasira, pagkawala o pagnakaw, maaaring singilin ka ng Nagbebenta ng kanyang karaniwang singil para sa pagpapalit ng unit ng Appliance. Maaaring palitan ng Vendor [Nagbebenta] sa kanyang sariling kapasyahan ang Appliance ng bago o ibang appliance na siya ring sakop ng Kasunduang ito (kabilang sa Seksyon 13.15).
13.16. Platform ng Mobile Threat Intelligence
13.16.1. Tulad ng paggamit sa Seksyon 13.16 na ito:
(a) Ang “Content” ay nangangahulugang anumang nilalaman, materyales, produkto at serbisyo na maaari mong i-access sa o gamit ang MTIP, kasama ang Vendor Content, Iyong Content at impormasyon na iyong ibinahagi sa iba pang user ng MTIP.
(b) Ang “MTIP” ay nangangahulugang Platform ng Mobile Threat Intelligence na ibinigay ng Avast.
(c) Ang “Threat Sample” ay nangangahulugang anumang code, feature, routine o device na naglalaman, naglalarawan, o nagpapakita ng anumang elemento ng Malicious Code.
(d) Ang “Vendor Content” ay nangangahulugang lahat ng Content na maaaring i-upload, i-publish, i-display, o ibigay sa iba ng sinumang miyembro ng Grupo ng Nagbebenta gamit ang MTIP, at lahat ng Content na nai-publish, nai-displayed, naipamahagi o ibinigay ang ibang partido gamit ang MTIP, ngunit hindi kabilang ang Iyong Content at mga Threat Sample.
(e) Ang “Iyong Content” ay nangangahuluganahat ng Content (di-kasama ang anumang Threat Sample), materyales, produkto, at serbisyo na iyong na-upload, na-publish, na-display, naipamahagi, o naibigay ng iba gamit ang MTIP.
13.16.2. Ang Vendor Content, sa pagitan ng ang ng Grupo ng Nagbebenta, ay pag-aari ng mga miyembro ng Grupo ng Nagbebenta. Ipinagkakaloob sa iyo ng mga Miyembro ng Grupo ng Nagbebenta, sakop sa mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito, ang isang limitado, di-eksklusibong lisensya na gamitin at i-access ang Vendor Content na ibinigay sa iyo gamit ang MTIP para lamang sa iyong paggamit ng MTIP.
13.16.3. Ang pagkakaroon ng anumang Content sa MTIP ay hindi nangangahulugan bilang pag-endorso o pagpapatunay ng nasabing content ng sinumang miyembro ng Grupo ng Nagbebenta. Hindi nagbibigay ang mga miyembro ng Grupo ng Nagbebenta ng mga warranty o representasyon kaugnay sa pagkatumpak, pagkakumpleto, o pagsasapanahon ng anumang Content na ibinigay sa MTIP. Hindi nagbibigay ng anumang payo o mungkahi ang mga miyembro ng Grupo ng Nagbebenta sa iyo dahil sa pagbigay ng Content gamit ang MTIP (kabilang ang tungkol sa Vendor Content) at, naaayon dito, ikaw ay kailangang bumuo ng iyong sariling kapasyahan at desisyon batay sa iyong sariling pagsisinop at imbestigasyon, at di-maaaring ilagay ang anumang pagsunod sa pagkatumpak, pagkakumpleto, o pagsasapanahon ng anumang Content na ibinigay sa iyo gamit ang MTIP.
13.16.4. Sa pag-upload, pag-publish, pag-display, pamamahagi o pagbigay ng Iyong Content gamit ang MTIP, ipinagkakaloob mo sa mga miyembro ng Grupo ng Nagbebenta ang isang di-eksklusibo, pandaigdigan, walang royalty, ganap na nabayaran, maisasalin, sublicensable (gamit ang iba’t ibang tier), lisensya para magamit, kopyahin, i-reproduce, i-proseso, i-adapt, i-modify, bumuo ng mga derivative work mula sa, na-upload, na-publish, na-transmit, na-store, na-display, napamahagi, naibigay sa iba, at gamitin ang Iyong Content kaugnay sa operasyon o paggamit ng MTIP o sa promosyon, advertising o marketing ng MTIP, sa anuman at lahat ng media o paraan ng pamamahagi o paraan na ang MTIP o Content ay maibigay sa iba (natuklasan ngayon o sa hinaharap na pagbubuo). Ikaw ay sumasang-ayon na ang lisensyang ito ay kinabibilangan ng karapatan para sa mga miyembro ng Grupo ng Nagbebenta na ipamahagi ang Iyong Content sa mga Kapartner ng Nagbebenta na nakikipagtrabaho sa mga miyembro ng Grupo ng Nagbebenta para sa pag-upload, pag-publish, pag-display, pamamahagi o pagbibigay ng Iyong Content sa pamamagitan ng ibang media o paraan ng pamamahagi o paraan ng pagbibigay ng MTIP o Content sa iba. Kinabibilangan din ng lisensyang ito ang karapatan para sa ibang mga user ng MTIP na gamitin at i-modify ang Iyong Content. Nauunawaan mo na maaari namin i-modify, i-adapt, o bumuo ng mga derivative work mula sa Iyong Content upang ma-upload, ma-publish, ma-display, mapamahagi o maibigay sa mga computer network, device, nagkakaloob ng mga serbisyo, at sa ibang mga media. Maaari rin namin tanggalin o tanggihan na i-publish ang Iyong Content sa MTIP, sa kabuuan o bahagi, sa anumang oras ayon sa aming sariling kapasyahan.
13.16.5. Sa pag-upload, pag-publish, pag-display, pamamahagi o pagbibigay ng Iyong Content sa MTIP, iyong ipinapaalam, pinatutunayan at sinasabi sa bawat miyembro ng Grupo ng Nagbebenta na: (a) ikaw ang may-ari ng mga karapatan, ikaw ay mayroon ng lahat ng karapatan o permiso mula sa sinumang kaugnay na partido, na gamitin ang Iyong Content at ipinagkakaloob sa Grupo ng Nagbebenta ang lahat ng kinakailangang karapatan, lisensya at permiso na gamitin ang Iyong Content na inilaan sa Kasunduang ito; at (b) sa pag-upload, pag-publish, pag-display, pamamahagi o pagbibigay ng Iyong Content sa MTIP ay hindi makaka infringe sa ari-ariang intelektwal na karapatan ng sinumang ikatlong partido o miyembro ng Grupo ng Nagbebenta, lumalabag sa privacy o ibang mga personal na karapatan ng ibang tao, o lumalabag sa naaangkop na batas. Tinatanggap mo responsibilidad sa pag-iwas sa infringement ng ari-ariang intelektwal, paglabag sa privacy o ibang personal na karapatan ng iba o paglabag sa naaangkop na batas na kaugnay sa Iyong Content. Ikaw ay sumasang-ayon na bayaran ang lahat ng royalty, bayarin, at anumang ibang bayarin na utang sa sinumang tao dahil sa iyong pag-upload, pag-publish, pag-display, pamamahagi o pagbibigay ng Iyong Content sa MTIP o mga miyembro ng Grupo ng Nagbebenta o Partner ng Nagbebenta na nagpapatupad ng anumang karapatan, lisensya at permiso na iyong ipinagkaloob sa ilalim ng Seksyon 13.16 na ito.
13.16.6. Walang sinumang miyembro ng Grupo ng Nagbebenta ang gumagawa ng anumang representation, warranty o obligasyon na kaugnay sa mga Threat Sample, at ikinatatatwa ng Grupo ng Nagbebenta ang anumang warranty (ito man ay hayagan o ipinagpalagay) na ang paggawa, pamamahagi o paggamit ng anumang Threat Sample ay hindi lumalabag sa mga karapatan sa ari-ariang intelektwal ng sinumang ikatlong partido, lumalabag sa privacy o ibang personal na karapatan ng iba, o lumalabag sa naaangkop na batas. Kung ikaw ay gumagamit, copy, reproduce, nagpo-proseso, nag-aadapt, nag-momodify, lumilikha ng mga derivative work mula sa , nag-upload, nag-publish, nag-transmit, nag-store, nag-display, nagpamahagi, nagbigay sa iba, o gumamit ng anumang Threat Sample, ikaw ay sasagot sa lahat ng kaakibat na peligro, at di-mababawing ipinapaubaya ang lahat ng karapatan na magreklamo laban sa sinumang miyembro ng Grupo ng Nagbebenta kaugnay sa nasabing Threat Sample.
13.16.7. Para sa pag-iwas sa alinlangan, ang mga Seksyon 4, 5.1.7, 5.1.11 at 5.3 (“Pertinent Sections”) ay ipapatupad sa Iyong Content at iyong paggamit ng MTIP (kabilang ang pag-upload, pag-publish, pag-display, pamamahagi, o paggawa ng Iyong Content na makukuha mula sa MTIP). Ang Seksyon 13.16 na ito at ang Pertinent Sections, hangga’t makatuwirang maisasagawa, ay ipapakahulugan upang maging naaayon sa isa’t isa, ngunit kung sakaling magkaroon ng salungatan, ang susundin sa mga ito ay ayon sa pagkakasunud-sunod na ito: (i) sa Seksyon 13.16 na ito; at (ii) sa Pertinent Sections.