Sinusuportahan namin ang mga browser, hindi mga dinosaur. Mangyaring i-update ang iyong browser kung gusto mong makita nang wasto ang nilalaman ng webpage na ito.

Technology homepage

Internet of Things na seguridad

Ang isang kadena ay kasinlakas lang ng pinakamahinang dugtungan nito. Ang pamantayang ito ay nalalapat din sa konektadong bahay. Karamihan sa mga gamit para sa smart home ay may mahinang seguridad, kaya bukas sa pag-atake ang mga user nito. Kami ay namumuhunan ngayon sa bagong cloud-based na teknolohiya na may layuning maprotektahan ang lumalawak na Internet of Things (IoT) na mundo.

Malalim na kaalaman sa landscape at mga kahinaan ng IoT

Ang Internet of Things ay nagbabanta ng malaking panganib sa buong digital na ecosystem. Ito ay sapagkat marami sa mga device na ito ay dinisenyo nang walang built-in na sistema ng seguridad upang maiwasang ma-hijack ng mga hacker.

Habang lumalaki ang bagong espasyong ito, ang Avast ay namumuhunan sa mga bagong teknolohiya sa aming cloud-based na imprastraktura ng seguridad kabilang ang pag-analisa at pagproseso ng IoT na banta sa data at ang network level.

Ang aming Inspector ng Wi-Fi na teknolohiya, na ipinakalat mula noong 2015, ay tumutulong na masuri at makilala ang mga kahinaan sa mga konektadong aparato sa higit sa 50 milyong na mga home network. Nakakatulong din itong ayusin ang mga error sa configuration. Patuloy na pahuhusayin ng maraming data kasama ng AI at machine learning ang aming kakayahang tumukoy at magbigay ng proteksyon laban sa mga banta sa IoT.

Nakatutulong din itong ayusin ang mga error sa configuration

Pinag-aaralan namin ang gawi ng mga IoT na device, nang indibidwal at sa isang grupo, para masuri ayon sa estadistika ang dami at mga uri ng data na ipinadala ng mga ito, at pagkatapos ay gagamitin namin ito kaugnay ng aming pagsusuri sa imprastraktura ng user. Ibig sabihin, tinitingnan namin kung sa anong uri ng mga device at network nakakonekta ang mga iyon, at kritikal na pinag-aaralan ang mga kakayahan at kahinaan ng bawat isa gamit ang aming sopistikadong engine ng artificial Intelligence. Gamit ang impormasyon at mga algorithm na ito, napoprotektahan namin ang iyong network mula sa anumang paparating na banta.

Avast Smart Home

Pinoproseso ang mga estadistika mula sa daan-daang milyong device sa pamamagitan ng mga algorithm ng Machine Learning na gumagana sa aming nakabahaging imprastraktura sa cloud para tumukoy ng mga banta sa mga nakakonektang device. Dahil eksperto na kami sa malware, may kakayahan kaming iklian ang latency; na pinapaikli ang kritikal na panahong kailangan para matukoy ang mga banta. Pero para malabanan talaga ang lumalaking hanay ng mga panganib sa parami nang paraming uri ng device, gumagamit kami ng diskarteng may dalawang hakbang. Una, ang aming mga algorithm sa pagtukoy ng iregularidad na custom na binuo ay ginagamit para tumukoy ng mga partikular na uri ng pag-atake: pagsasamahin namin ang mga ito para matukoy ang iba't ibang klase ng mga pag-atake sa IoT. Ikalawa, isinasama namin ang aming deep neural network para matukoy ang lahat ng pag-atakeng ito, pati na ang mga papausbong na pag-atake.

Isang deep neural net para sa trapiko ng IoT

Naghahatid ang trapiko ng aming network ng mga estatistika mula sa milyong-milyong tahanan sa isang deep neural network. Pagkatapos, sisimulang unawain ng mga interior node ng komplikadong network na ito kung paano nauugnay ang mga pagdaloy na ito sa mga partikular na uri ng device, kung paano binubuo ng maraming device ang isang home configuration, o kung paano binubuo ng mas maraming device ang isang serbisyo. Pagkatapos, inihihiwalay ng output o panghuling layer ng neural network ang mga koleksyon ng mga pagdaloy na hindi nakapipinsala o kahina-hinala.

Ang arkitekto ng aming Smart Home

Para maprotektahan ang aming mga kostumer at ang mga IoT device ng kanilang tahanan, may Avast sa router at sa aming mga kasalukuyang produkto para sa PC, Mac, at mga mobile device. Nangongolekta ang mga ito ng mga estadistika tungkol sa mga daloy ng trapiko papasok at palabas ng tahanan, nang hindi naaapektuhan ang normal na pagruta ng mga packet. Pagkatapos, ipinapadala ang mga nakolektang estadistika sa Avast Cloud para iproseso. Kung ituturing ng Avast Intelligence Platform ang pagdaloy o device na kahina-hinala, tatagubilinan nito ang produkto ng Avast para i-block ang apektadong pagdaloy o device. Nagbibigay ang Avast Smart Home app ng portal para makipag-ugnayan ang user sa system.

Bakit nasa posisyon ang Avast para magtagumpay sa IoT?

Sa madaling salita, mahalaga ang sukatan: dahil may access sa data ang Avast mula sa mahigit 50 milyong bahay ng konsyumer sa 100 bansa, may hindi mapapantayang pangkalahatang-ideya ang Avast sa landscape ng banta. Ibig sabihin, matutukoy at matutugunan namin ang mga banta nang mas mabilis kaysa kanino pa man.

Manatiling may alam, manatiling protektado

Patuloy naming sinusubaybayan ang mga isyu sa seguridad para protektahan ang aming daan-daang milyong user mula sa mga papausbong na banta. Para mauna sa pagkuha ng mga pinakabagong feature ng produkto, at malaman ang tungkol sa mga banta mula sa mga eksperto sa Mga Threat Lab ng Avast, bisitahin ang blog ng Avast.

Isara

Halos tapos na!

Kumpletuhin ang pag-install sa pamamagitan ng pag-click sa na-download mong file at pagsunod sa mga tagubilin.

Sinisimulan ang pag-download...
Paalala: Kung ang iyong pag-download ay hindi awtomatikong nagsimula, mangyaring mag-click dito.
I-click ang file na ito upang simulan ang pag-install ng Avast.